Word Poetry Challenge #12 : "Kalayaan" | Ang aking lahok

dove-2680487__480.jpg
Pinagkuhanan ng litrato

U5duL1k4yds5mchWjfZQfZJsi8vmq12_640x480.png


"KALAYAAN"
Katha ni Marigen aka. @greatwarrior79


Sa bayan kong sinilangan,
Pilipinas ang kanyang pangalan.
Perlas ka ng silanganan,
Mamayang magiliw at puno ng kapayapaan
.


At dahil sa iyong taglay na kayamanan,
Mga dayuhan ay naging gahaman.
O aking bayan ikaw ay sinakop, at tinanggalan ng karapatan,
Na mamuhay ng mapayapa sa lupang kinagisnan
.


Ang bayan kong dating malaya,
Inangkin ng mga mananakop,at ginawa tayong alila.
Sa sariling lupa ay alipin tayo ng banyaga,
Ang kalayaang tinatamasa,ay naglahong parang bula
.


Kaya mga ninuno natin ay nakipaglaban,
Upang maangking muli ang kalayaan.
Buhay ay kanilang ibinuwis sa pakikibaka,
Upang sa gayon ay maibalik ang bayang malaya
.


Kalayaan natin ay huwag balewalain,
Dahil hindi biro ang ginawa ng mga bayani natin.
Atin itong pahalagahan at pagyamanin,
Dahil ang "Kalayaan" ay isang kayamanang pamana ng salinlahi natin
!

U5duL1k4yds5mchWjfZQfZJsi8vmq12_640x480.png

Magandang araw mga kabayan! Ito po aking lahok sa patimpalak na ito ni ginoong jassennessaj. Napakalalim po at napakalawak ng salitang kalayaan, kaya ang aking tintumbok dito sa aking akda ay patungkol sa kalayaan na muli nating naangkin mula sa pagkaalipin sa mga dayuhang mananakop. Salamat ng marami sa pagbasa ng aking akda at sana po magustuhan nyo at ng ating hurado.😊

Hanggang sa muli!


Lubos na nagpapasalamat;
Marigen aka @greatwarrior79


greatwarrior79.png

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Vote for my witness: @steemgigs ; @ausbitbank; @cloh76 ; @precise nd @good-karma.😊

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Sort:  

Very beautiful bird and nice lines

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97