Word Poetry Challenge #15 : "Pagbabalik" | My entry

in #wordchallenge6 years ago (edited)


Pinagkuhanan ng litrato


"PAGBABALIK"
Katha ni Marigen aka @greatwarrior79


"Mahal kita", "Di ako mawawala" at "Di kita iiwan",
Mga salitang namutawi sayong labi bago ka lumisan.
O'kay sarap pakinggan at damhin sa damdamin,
Mga pangako mo sa aking inihabilin
.


Bago ka naglakbay sa karagatan,
Tandang tanda ko pa ang iyong pangakong binitiwan.
Na hindi mo ako ipagpapalit kahit kanino man,
At mamahalin mo ako hanggang kamatayan
.


Sa iyong paglayo,puso ko ay puno ng pangungulila,
Araw ko ay kulang kapag di ka nakikita.
Gabi ko ay puno ng lumbay,
Dahil sa mga bisig mo't yakap ako ay nasanay
.


Kapag nag iisa naiisip ko maamo mong mukha,
At sa panaginip ay lagi kitang kasama.
At nangangarap ang puso ko sa tuwina,
Na tayong dalawa ay masayang magkasama
.


Lumipas ang araw at panahon,
At ito ang itinakda ng pagkakataon.
Ang iyong pagbabalik na hinintay ko ng matagal na panahon,
Na makita kang muli at masilayan ay matutupad na ngayon
.


Dumating na oras ng iyong pagdating,
Nanabik sa mga yakap mo't lambing.
Ngunit may kakaiba sa iyong mga tingin,
Na animo'y kalungkutan at di ka makadiretso makatingin
.


Sa pagpasok mo sa inyong bakuran ako ay nagulantang,
Hawak mo sa kamay, babaeng makinis at malaki na ang tiyan.
Sa oras na iyon di ko alam ang aking gagawin sa aking nasaksihan,
Para bang akong nauupos na kandila sa aking kinatatayuan
.


Sayong pagbabalik,matutuwa ba ako iiyak sa kawalan?
Bakit di mo pinahalagahan ang iyong pangakong binitiwan.
O ito ba'y sadyang iyong kinalimutan,
Ngunit ganunpaman tatanggapin ko ang anuman sa akin nakatakdang kapalaran,at dalangin ko sa Diyos ang inyong kaligayahan
.


Ito po ang aking munting akdang tula, sana po ay magustuhan po ng ating hurado na si ginoong @jassennessaj. Itong tula ko po ay kathang isip lamang ngunit nangyayari ito sa totoong buhay. Sana makarelate yung mga luhaan pero nakamove on na.😊 Suportahan po natin ang patimpalak po na ito. Mabuhay po tayong lahat!

Ang inyong simpleng manunula;
Marigen aka @greatwarrior79(proubtobeboholana!)


QmPdX3ccSVZRVV9sKQT7JRAo2aWC5miTW7LgXhdvCRmeom.png

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Note : Make Sir Terry aka @surpassinggoogle your witness:
If you have a spare vote, kindly vote "steemgigs" as witness by visiting https://steemit.com/~witnesses typing "steemgigs" into the first search box for witnesses!
Should you want to make Terry do the voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses typing "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Vote also for my witness; @good-karma;@ausbitbank;@cloh76.witness and @precise

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Sort:  

Hello greatwarrior79!

Congratulations! This post has been randomly Resteemed! For a chance to get more of your content resteemed join the Steem Engine Team

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94