Word Poetry Challenge #9 : "Maskara" - Ang aking lahok

art-2174145__480.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


"Maskara"
Katha ni : marigen aka. @greatwarrior


Ako ay suot ng sangkatauhan,
Kahit sila ay mahirap o mayaman.
Makikita mo ako kung saan saan,
Kapiyestahan kasayahan o pagdadalamhati man
.


Sa lansangan ako ay makikita mo bilang pulubi,
Na humihingi ng tulong para maibsan ng konti ang aking pighati.
Minsan sa peryahan ako ay iyong masisilayan,
Nagpapasaya sa mga tao para problema ay mabawasan
.


Sa mga mayayamang angkan ako din ay iyong matutunghayan,
Napakatingkad ko at parang magarbong kasuotan.
Dama ang dulot na karangyaan ko,
Halos lahat sinasamba ako
.


Sa simbahan inyo din akong masasaksihan,
Suot nila ako ng may kabanalan.
Halos lahat sa akin nagbibigay galang,
Bilang alagad ng Diyos na Kataastaasan
!


Sa pagkakawanggawa ay ako rin ay iyong makikita,
Palangiti ako at puno ng tuwa.
At karangalan ko ang tumulong sa kapwa,
Na walang alinlangan at pagkasawa
.


Pagsapit ng oras ng eleksyon ay makikita mo akong nangangampanya,
Halos ngiti ko ay abot tainga.
Kahit masakit na ang panga sa pagpanggap na tawa,
Basta makuha ko lang ang boto ng masa
.


Sa mundong aking kinalalagyan iba't ibang katauhan ang aking napupuntahan,
Sa kalungkutan,kasayahan at pagpapanggap man.
At piliting ko mang itong iwasan,
Di ko magawa sapagakat ito ang aking kapalaran,na ako ang MASKARA ng sangkatauhan
!


Ito po ang aking lahok sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj. At sana po magustuhan po ito ng ating hurado na si ginoong @oscargabat.😊 Maraming salamat sa pagbasa nyo sa aking munting katha at sana nagustuhan nyo po ang konsepto ng aking tulang kakaiba na akma naman sa tema.😊 Salamat ng marami sa patimpalak na ito at marami akong natutunan at nailalabas ng bawat isa ang talento sa pagkatha ng tula. Sa muli goodluck po sa lahat ng lahok😊! Mabuhay po tayong mga makatang pilipino!

Hanggang sa muli;
Marigen aka. @greatwarrior79


greatwarrior79.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

gvlogoforfooter.png

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Sort:  

Nagsasalita ang maskara. Ang ganda ng istilo sa pagkakagawa! Goodluck kabayan at salamat sa pagsali!😊

Salamat sir @oscargabat sa iyong pagbasa at komento. Mabuhay po tayong mga makata..sana manalo ako sa patimpalak na ito.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64093.86
ETH 3123.80
USDT 1.00
SBD 3.94