Word Poetry Challenge #6 : "Simbahan"

Ang kathang ito ay hindi opisyal na entry para sa paligsahan. Ang nais lamang ng awtor ay magbigay ng kanyang piyesa upang suportahan ang naturang paligsahan

"Simbahan"

Sana ay malaman mo ang lihim na ito
Nung una tayong nagkita sigurado na'ko
May hiwagang bumabalot sa iyong pagkatao
Wow, yan ang unang nasambit ko

Pumupintig ang puso ko ng kusa
Bakit nga ba? Hindi ako makapaniwala
Utal-utal kung makasambit ng salita
Bawat bigkas kasi may hatid na kaba


Nung nagkakakilala na dun pa lumobo
Naging puro alapaap ang paningin ko
Di mapigilan ang aking mga ngiti
Pag-andyan ka, namumula ang pisngi


Kapag kausap ka, di ako mapakali
Mga kwentong dumadampi sa iyong labi
Mga tawa mong abot hanggang taenga
Mga titig mong nakakatunaw talaga


Nagsilbi kang inspirasyon upang magpursigi
Araw-araw binibigay lahat ng lakas lagi
Maipakita lang na ako'y karapat-dapat
Na mahatid ka sa tuktok at tapat


Tapat ng altar para tayo'y magsumpaan
Ikakasal sa pinakalumang "Simbahan"
Sumpang tayo'y patuloy na magmamahalan
Hanggang sa pagtanda, tayo'y walang iwanan


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako SayoSa Iyong Paglisan

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage
Lovers from Afar

Hanggang sa Muli


Photocredits : 1 2

Sort:  

Done upvoting and resteeming as my simple support. Good job kabayan.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97