"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"

in #wordchallenge6 years ago

beijing-opera-1160109_1280.jpg
Pixabay

Maskara
ni jennybeans


Nababalot ng misteryo ang iyong buong pagkatao
Di ko wari kung kailan ka naging totoo
O kung ikaw nga ba talaga ay nagpakatotoo
Dahil ang mukha mo ay di makita't nakatago

Sa bawat panahong lumilipas
Kulay mo'y unti-unting lumalabas
Pinakitang magandang asal ay isa lang palang palabas
Dahil ikaw nga ay balasubas

Isa kang mapagkunwaring nilalang
Nagpapanggap at patuloy na nanlilinlang
Di ka ba nakokonsensya't kaluluwa mo'y halang
Di ba pwedeng umamin ka na lang?

Daig mo pa si Julia Montes sa doble kara
Hakot award ka talaga pag ika'y nag-artista
Bakit?, Kasi ang galing-galing mo sobra
Na magkubli gamit ang iyong maskara

Hindi ko alam na sa likod ng maamo mong mukha
Sa di makabasag pinggan mong mga galaw
Sa iyong pagiging mahinhin at dalagang Pilipina raw
Ay nakatago ang isang ahas na handang manuklaw

May dalawa kang mukha, inaamin ko
Ako'y di makapaniwala ng malaman ito
Nakakahalina ka kasi at napakaganda mo
Pero di nalalaman sa taglay na anyo ang kulay ng isang tao

Hubarin mo na ang iyong maskara
Pagkukunwari ay tapusin na
Di na kailangang mag balat-kayo pa
Dahil ikaw ay bistadong-bistado ko na



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Hubarin mo na ang maskara! 😀

Huhubarin ko na ba talaga? Sigurado ka na? Wala ng ayawan to ahh Hahahahah
Happy Saturday sayo sis....
Iba talaga pag in love... Naks :)

Congratulations @jennybeans! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Russia vs Croatia


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Natawa ako dahil ang tula ay napakaraming hugot, namangha ako sapagkat naramdaman ko ang emosyon. Simple pero malakas ang dating. Salamat sa pagsali kabayan!

Maraming salamat din sa pagbisita kabayan :)

Napakagaling. Nakapagaling!

This comment was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64344.02
ETH 3142.36
USDT 1.00
SBD 4.01