Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw sa Entablado

in #wordchallenge6 years ago (edited)


pinagmulan ng imahe

Isa, dalawa, tatlo
Todo ang pag-eensayo
Walo, pito, anim
Hanggang lumalim ang dilim

Sabay sa indak ng ating katawan
Galaw nati'y hindi mapigilan
Musika ang nagbibigay buhay
Sa ating kaluluwang nauumay

Huling sayaw na natin ito
Ibubuhos nating sabay sa entablado
Huwag ka munang magmadali
Hintayin nating lumalim ang gabi

Isang suntok sa buwan
Matupad lang ating kahilingan
Higpitan mo lang ang hawak
Bawat segundong pumapatak.

Hawakan mo itong aking kamay
Bago pa man ako mapahiwalay
Wala ng bukas ang hihintayin
Bawat isa ay papalayain.

Sabay na tayong bumitaw
Sa naging huli nating sayaw
Entablado ang ating naging tapuan
Matatapos sa huling sayawan


Salamat at meron na namang bagong tema na ikinasasabik ko namang sulatan. Salamat sa iyo kabayang @jassennessaj sa patimpalak na ito. Nawa'y marami ka pang mga patimpalak pagdating ng panahon.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Mayroon syang feels na parang "Huling Sayaw: ng Kamikazee pero isa sa mga bagay na naibigan ko dito ay ang

Isa, dalawa, tatlo
Todo ang pag-eensayo
Walo, pito, anim
Hanggang lumalim ang dilim

Tapos hindi ka naglihis sa tema. Which is good.

Salamat sa pagsali at good luck sa patimpalak po!

Agree ako Sir @tpkidkai :)
Nung nabasa ko din toh yan din naisip ko. Yung song ng Kamikazee :)
Yung kay Sir @twotripleow naman, yung unang entry nya e Huling El Bimbo naman :)
Yung second entry nya natuwa ako e hehe yung kay Anne Curtis :)

Matanda na kasi tayo kaya Huling El Bimbo sila bata pa kaya Kamikaze haha. At saka naka kuha ako ideya kay Ely Buendia hehe. Bet ko si Anne Curtis girl.

Kaya nga Sir hehe dama ko naman :) Pero ha yung El Bimbo aba nakarating pa yan sa mga "Huling Sayaw" that mga Kamikazee generation :) Iba din ang EHeads :) LEGENDS!!!

Sana makarating kay Anne Curtis yung tula hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63960.62
ETH 3142.95
USDT 1.00
SBD 3.95