Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

in #wordchallenge6 years ago (edited)


pinagmulan ng larawan

Isang tulang alay ukol sa watawat, bayan at kababayan.

"Bayang magiliw
Perlas ng silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil"

Lupang hinirang, bayang aming hirang
sa iyo iwinawagayway ang watawat ng Pilipinas.
Salamin ng lakas, kapanggyarihan at pagkakaisa.
Ito ang aming sandigan.

Perlas ng Silanganan
Ang yaman nitong taglay ay
sagisag ng ating yaman.
Bundok, dagay, batis, mineral,
ay iilan lamang sa taglay nitong yaman.

"Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal"

Ang kagitingan ng bayang Pilipinas
lakas ng buong bayan
Sagisag ng ating watawat.
Ikaw ang simoy ng hangin, haplos ng bawat ritmo.

Tahanan ng iba't ibang bayani.
Ito ang aking bayan.
Bayang mahal, Pilipinas ang kaniyang pangalan.
Mabuhay ang aking Bayan!

"Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niyang kalian pa may di magdidilim"

Ang bawat kislap ng watawat ay siya ring kislap ng bayan.
Kislap ng tayog, tagumpay at talento.
Ang bawat bituin ay kailan ma'y di magdidilim.
Sing kinang ng pagkakaisa at pagmamahal sa sariling bayan

Ang watawat ay patuloy na iwawagayway sa bawat larangan.
Ang sinag ay aabot saang sulok ng mundo,
makikilala at tatangkilikin
sapagkat tayo ay kakaiba.

"Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya ng pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo."

Bughaw, puti, pula at dilaw.
Anumang kulay, suot at pinanggalian
sama-sama tungo sa makabagong bansa.
Patuloy sa pag-angat ng buhay.

Naging mahirap man angdaloy ng buhay para sa atin,
naging matatag naman ang bawat isa.
Ang bawat paghihirap at pagsusumikap ay
magbubunga rin sa hinaharap.

mabuhay ang bansang Pilipinas!
Kasabay ng bawat pagwagayway sa watawat ng Pilipinas
ang patuloy na pagtidig ng bawat Pilipino.
ito ang tahanan ng aking lahi, bayani
at ito ang aking tahanan.

Patuloy at walang hanggang iwawagayway ang watawat ng aking bansang Pilipinas.

Mabuhay ang bawat Pilipino! MABUHAY!

Maraming salamat @jassennessaj sa panibagong patimpalak na ito. Ako ay lubos na nagagalak sapagkat nagiging dan ito upang mahasa ang bawat makata na magsulat hindi lang ng bawat letra bagkos ng bawat kahulugan at maghatid ng inspirasyon at damdamin sa lahat. Mabuhay tayong lahat!

Sort:  

naalala ko yung oration ng kaibigan ko nung high school dahil dito.
salamat po sa pagsali :)
good luck po

Marami pong salamat :))

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64222.08
ETH 3135.29
USDT 1.00
SBD 3.99