Word challenge #19 - Ulan (Aking Entry)

in #wordchallenge6 years ago (edited)

<•••>

Dumating siya kanina,
Ngunit saglit lang ang pagdanas ko sa kanya,
Ngayo'y nakatingin lang... nakatunganga
Sa alapaap,
Umaasang babalik siya mula sa mga ulap,

Kung diyos lang sana ako
Gagawin kong madalas
Ang pagdating niyang paminsan-minsan,
Para may kalaro ang mga pusong may tumutulo,

Naaalala ko lang noon,
Tuwing siya'y paambon-ambon,
Kagalakan na ito ng puso kong Mamon,
Ngunit kadamay na siya ng malumbay na puso ko ngayon,
</center)>

Ika nga sa kanta,
"rain, rain, go away,
Come again another day"
Pero pwede bang,
"rain, rain, please sway,
Come to me every day"

Kaya,
Ulan, ulan, dalasan mo sana ang minsan,
Para may kadamay na ang pusong may pinagdadaanan,

images.jpeg

Image Source


image.png

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 71297.37
ETH 3698.84
USDT 1.00
SBD 3.75