Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan" - Ikalawang Entry

in #wordchallenge6 years ago (edited)


Pinagkuhanan ng larawan

TAGPUAN
orihinal na likha ni
@marizen

Napadaan ako sa dati nating tagpuan
Nanumbalik ang ating mga alaala at tawanan
Pati na rin mga masasalimuot at iyakan
Hindi ko mapigilan ang sarili na aking balikan

Dito sa plaza tayo unang nagkita at nagkakilala
Habang sa upuan ako’y namamahinga
Nakita kitang napadaan gamit ang iyong bisikleta
Hindi ko mapagkakailang napaka-amo mong mukha

Laking gulat ko ng umupo ka sa aking tabi
Pinagmasdan kita at para bang ako’y knikiliti
Kahit ika’y pagod na pagod hindi nawawala ang iyong ngiti
Sa mga mapupula mong labi

Naalala ko pa, dito mismo sa dati nating tagpuan
Dito sa dating matingkad at magandang upuan
Araw araw kitang hinihintay nag babakasakaling ika’y muling masilayan
Nakita kita ulit pagkatapos kumulang ng isang buwan

Hindi ka nagdalawang isip na ako’y kausapin mo at makipagkilala
Simula noon bulaklak at tsokolate na ang lagi mong dala
Niligawan mo ko at binigay ko sayo ang aking tiwala
Lagi na kitang nasa isip aking sinta

Dito sa tagpuan natin, dito kita sinagot
Tuwa’t ngiti natin hanggang langit ang abot
Ikaw ang nagaalis at pumapawi sa aking lungkot
Singsing mong dala sa aki’y isinuot

Dito sa tagpuan natin tayo laging nagkikita
Dito tayo nangarap at nagplanong dalawa
Napuno ng kulay ang buhay tulad ng makukulay na bulaklak sa plaza
Pagkatao ko’y napuno ng saya simula ng makilala ka

Naging masaya tayo sa piling ng isat’isa
Lahat ng problema ating nireresolba ng magkasama
Talagang ako sayo’y may tama
Lahat ng ibang gustong manligaw aking dinededma

Gumiginhawa sayong yakap at haplos
Ikaw ang mahal ko ng lubos
Lahat ng panahon at oras ko sayo ko binuhos
Na para bang pagibig natin ay di na matatapos

Pero ako’y nagkamali sa inakala
Dumarating ka sa oras hindi na tama
Sa tagpuan minsan nalang kung tayo’y magkita
Kaya naman ako ay nabahala na

Sariwa pa sa aking alalala
Ng tayo’y nagusap ng parang hindi magkakilala
Dito rin sa ating tagpuan mo sinabi na relasyon natin ay tama na
Iniwan mo akong hindi pa nakakapagsalita

Simula noon hindi na tayo muling nagkita pa
Ni hindi ko alam ano ang aking maling nagawa
Hinagpis nalang ang nagawa at agos ng luha
Bakit nagawa mo iyon sa’kin na para bang may nagawang malubha

Nabalitaan kong ika’y sumama sa ibang binibini
Magagawa mo yun ay hindi ko akalain ni mawari
Ang dating masaya ay napalitan ng pighati
Bumalik ako sa ating tagpuan na baka sakaling bumalik ang dati

Ayoko ng maging ewan at mag-abang
Siguro hanggang duon nalamang
Na siguro ako ang nagkulang
Para sa aking sarili dapat akoy’ maging matapang

Sa kasalukuyan ako’y biglang napabalik
Ng bigla tumawag ang bunso kong anak na sabik na sabik
Dali dali sa pamilya kong naglalaro sa damuhan ako'y bumalik
At binigyan ko lahat sila ng aking halik

Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon
Mananatiling alaala ang dating kahapon
Natagpuan ko na ang para sa akin na hinding-hindi ko tatapon
Sana’y natagpuan mo na rin ang iyong tamang karelasyon

zenfooter.jpg

Sort:  

Nakakamangha ang iyong katha @marizen. Malakas ang dating at may malalim ang hugot mo, at parang may pinaghugutan ka sa iyong akda. Sana manalo ang iyong akda.😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

done! hahaha ginalingan ee

thank you :)

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 01 July 2018.

thank you so much @steemph.uae.. lovelots :*

wow...heto na tlga...lumalabas na ang inner poet... congrats!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63732.43
ETH 3135.73
USDT 1.00
SBD 3.83