Word Poetry Challenge #12: "Kalayaan" | My Non-Official Entry

in #wordchallenge6 years ago

Magandang araw Steemians, nais ko lang gumawa ng sarili kong akda para sa #wordchallenge na patimpalak ni Ginoong @jassennessaj na may Temang : "Kalayaan"..Ito po hindi opisyal na entry.


"Kalayaan"

Oh! Ang Bata nga naman
Kahit saa'ng angulo mo tingnan
Sila parin ay walang kamuwang-muwang
Sa mundo na kanilang ginagalawan


Nararapat lang na sila ay gabayan
At taos pusong mahalin at alalayan
Bawat kilos man nila ay babantayan
Pero kailangan din bigyan ng kalayaan


Mga magulang man minsa'y kay higpit na
Di napapansin sila'y batang musmos pa
Sa kagustuhan mang paglaki ay mapabuti ka
Minsan naisantabi na ikaw ay bata pa


Hahayaan kang madiskobre iyong kakayahan
Kalayaa'ng maglaro ng habol-habolan
Maranasa'ng madapa, bumangon at tumayo
Kahit tuhod man sa galos ay punong-puno


Maglaro sa ulan hangga't ito ay titila
Putik man ay hindi na aalintana
Basta't mukha nila ay naaliw at masaya
Tiyak di sila magsisi, ikaw naging magulang nila


Salamat po sa pagbasa😊

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64420.25
ETH 3150.23
USDT 1.00
SBD 3.99