Word Poetry Challenge #15 : Pagbabalik

in #wordchallenge6 years ago


Pagbabalik

Sa panahon ng ating pagsasama
Ramdam natin ang lubos na saya
Sa hirap man at ginhawa
Tayo ay magkasama


Nang tayo'y nag-iisang dibdib
Pagsasama nati'ng puno ng pag-ibig
Tila walang makakayanig
Kahit ano mang unos ang pumapaligid


Pero nang dumating ang araw
Na tila ba tayo'y nauuhaw
Biglang napagtanto ang araw
Pangarap sa pamilya'y nangingibabaw


Puso at isip may naiinis
Mabigat ang desisyon sa iyong pag-alis
Mga puso natin lumuluha na parang pawis
Napahikbi sa sulok, sa sakit na matutulis


Oras, Araw at taon man ang hinihintay
Sa telepono tayo'y kumakaway
Mga puso natin wari'y sumasabay
Sa saya na ating naging karamay


Minsan sa panaginip tayo'y nagkasama
Ramdam natin ang tamis ng saya
Tila ba nasa kasalukuyan na
Pero pagkagising, ay! panaginip lang pala


Hiling man na ang araw ay bibilis ang takbo
Bibilis maging ang ikot ng mundo
Sabik sa pagbabalik na tayo'y mabubuo
Kasama ang pangarap na minimithi mo


Pagbabalik mo'y kapana-panabik
Nakakubli ang pusong puno ng pananabik
Hindi ko man maipenta ang saya
Na darating sa wakas tayo muli ay magkasama


Sort:  

I upvoted your post.

Mabuhay, keep steeming.
@Filipino

Posted using https://Steeming.com condenser site.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60918.56
ETH 2919.11
USDT 1.00
SBD 3.56