Word Poetry Challenge #19 : Ulan

in #wordchallenge6 years ago (edited)


"ULAN"

Sa kinatatayuan ko'ng mundo
Ulan minsan ay makakasama ko
Lamig at putik man ay iiwan mo
Datapwat minsan kinagigiliwan ko


Maihahalintulad man minsan ika'y isang harang
Sa mga lakad ko sa daan ika'y nakaharang
Sa panahong di ko ninais ika'y makasama
Minsan tanong sa sarili, ulan kailan ka ba titila?


Tulad man ng pagsubok sa buhay ko
Bubuhos man na parang isang bagyo
Ramdam man bawat kulog at pighati ng puso
Para bang naka ukit sa palad na ito'y aking mapagtanto


Pagsubok man ay ulan'g makikisabay sa buhay
Mag-iwan man ng putik o piklat sa aking kamay
Bawat araw babangon at gawing makulay
Kinakailangan'g harapin makamit lang minimithi ko'ng tagumpay


Naging inspirasyon ko man isang bulaklak
Kinakailangan ang ulan maging kahit isang patak
Bawat hampas at lakas man ay hinahamak
Bandang huli makikitan'g ito'y namumukadkad


Sapagkat sa rurok ng aking tagumpay
Kasama bawat sakit na naging gabay
Bagyo man yumayanig sa magandang pakay
Salamat Ulan ng pagsubok ika'y naging karamay


Sort:  

This post has been upvoted for free by @microbot with 5%!
Get better upvotes by bidding on me.
More profits? 100% Payout! Delegate some SteemPower to @microbot: 1 SP, 5 SP, 10 SP, custom amount
You like to bet and win 20x your bid? Have a look at @gtw and this description!

Isang napakatinding entry. Palarin ka po sanang manalo @mhelrose.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60918.56
ETH 2919.11
USDT 1.00
SBD 3.56