Word Poetry Challenge #9 : Maskara

in #wordchallenge6 years ago

"Maskara"

Isang salita na puno ng misteryo
Di maihahalintulad sa kung anu-ano
Di maaninag kung ano ang totoo
Sapagkat ito ay ngbabalatkayo


Ni minsan sinubukan kong isuot ang maskara
Lalo na't sakit at pighati ang aking nadarama
Pilit kung maiwaksi ang sakit na ini inda
Ng sa ganoon ay di nila mapansin, maramdaman o makita


Mapungay kung mata'y di naa ayon sa labi'ng nakatawa
Sa harap ng salamin ako'y napaluha't napabuntong hininga
Tanong sa sarili kung makakaya pa ba? Maitawid ang mukhang suot-suot ang mahiwagang maskara


Ginusto ko mang minsan siya'y isuot
Sa Kadahilanan mang ayokong ma'y mababagot
Sa mga kakilala ko'y gustong maihatid at maipa abot
Maiwan at maisa ala-ala, imahe ko'y walang kahit kunting poot


Personalidad ko ma'y mukhang masayahin
Sa likod nito'y nasasaktan din
Di ko man kayang ipahiwatig at idiin
Sapagkat paniniwala ko'y kusa niyong mapansin ang saloobin


Katangian man na di kaya ang magpakatotoo
Dala-dala ang maskara na ani mo'y isang ginto
Di man naging madali ang lahat ng ito
Masasaan ba't masanay sa bawat kirot na aking natanto


Panahon lang ang makapagsasabi
Darating man ang kailan kita iisantabi
Sa ngayon na ikay aking karamay at katabi
Salamat sa panahon at oras sa bawat pagsapi


Heto na naman ako mga ginoo at ginang. Sanay inyong nagustuhan aking orihinal na akda mga mahal kung mambabasa. Kay Ginoong @jassennessaj salamat uli't sa paglikha ng ganitong patimpalak.

Hanggang sa muli..!

Sort:  

.maayo na kai ka mag tinagalog..hahah..

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64038.60
ETH 3148.89
USDT 1.00
SBD 3.97