"Word Poetry Challenge #15 : Pagbabalik"

in #wordchallenge6 years ago

2018-09-06_00.54.30.jpg

"PAGBABALIK"

Sa bawat paggising ko sa umaga,
Ikaw ang nais na makita.
Sa bawat pagtulog ko,
Ikaw ang panaginip ko.

Sa araw man o gabi;
Ikaw ang nais na makatabi.
Pagkat ako'y nababalisa,
Pag di kita nakikita.

Ngunit 'pag ikaw ay akin ng masilayan,
Damdamin ko'y agad-agad masisiyahan.
Di ko na maintindihan ang aking nararamdaman.
Di ko mawari sa mukha ang labis na katuwaan.

Maha kita, Mahal kita.
Yan ay nadarama mo ba?
Mahal kita, Mahal kita.
Ito'y paniwalaan mo sana.
Dahil ang buhay ko ay kay sigla
Pag ikaw ang aking kasama.

Dumating ang araw na aking kinakatakutan,
Kinailangan mong lumayo para sa'ting kinabukasan.
Labis-labis ang aking kalungkutan,
Na animo'y ang mundo'y aking pinapasan.

Ilang taon din ang lumipas,
Pagsasamahan natin ay di kumukupas.
Ang ating pagmamahalan ng lubusan,
Kailan man ay di nababawasan.

Ngayon ang araw ng iyong pagbabalik.
Mawawakasan na ang aking pananabik.
Mga bagay na kaytagal na nating pinagplanohan,
Ating ng matupad ng walang pag alinlangan.

Sort:  

thank you @leeeee .. hope you enjoy it.. 😄😅

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66167.71
ETH 3014.78
USDT 1.00
SBD 3.73