"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"



👧👦👧👦

"Larawang Kupas"

Katha ni: Omar G. Navarra


Sa mga nakalipas na mga taon,
Hidi ko akalaing magbabago pala ang takbo ng panahon.
Kay rami-raming taong aking nakilala,
Bakit mga kaibigan ko pa ang dapat mawala.


Kaibigan ang isa sa mga taong lagi mong kasama,
Gagawin ang lahat mapasaya ka lang nila.
Kaibigan ang isa sa mga taong nandiyaan,
Sa mga oras na ikaw ay nahihirapan at nasa kawalan.


Hindi ko talaga makakalimutan ang mga araw na tayo'y masaya,
Lagi nating ginagawa ang lahat sa abot ng ating makakaya.
Mga araw na kahit kailan,
Hindi kayang palitan kahit ginto o diamante man yan.


Salamat sa larawang kupas na'to,
Nakita ko ang lahat ng kabutihang ginawa ninyo.
Mga masasayang araw kasama kayo,
Ay laging nandito sa puso't isipan ko.


Sa larawang kupas na 'to,
Naaalala ko kung bakit nagustuhan ko kayo.
Kayo ang mga taong kahit sino walang makakatalo,
Dahil kung kayo magmahal ng kapwa, binibigay n'yo todong-todo.


Meron man tayong kanya kanyang buhay ngayon,
Alam kong maibabalik natin ang masasayang araw kung gugustuhin man natin 'yon.
Kaya mga kaibigan ko,
Kahit malayo man kayo, lagi kayong nandito sa puso ng larawang kupas na 'to.


👭👬👫

Salamat kay kuya @jassennessaj, dahil ang patimpalak na ito ay nakatulong sa akin upang mapahusay ko pa ang aking sarili sa paggawa ng mga tula. Nakakatulong rin ito sa mga Filipino Steemians sa pag papataas ng ating wika at bandera.

SALAMAT MGA MINAMAHAL KONG KAPWA MANUNULAT


Sort:  

Congratulations @omargnavarra! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60725.43
ETH 2900.91
USDT 1.00
SBD 3.59