“Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw” #1

in #wordchallenge6 years ago

866B94AE-3327-4418-8F7F-F481CFC61903.jpeg
Pinagkuhanan ng Imahe

Ang tagal kong inantay ang gabing ito,
Ang maisayaw ka sa gitna ng entablado.
Sa ngayon, kakapalan ko na ang mukha ko
Lalu’t suot-suot ko ang damit kong barung-baro.
Bago ako lumapit sa inuupuan mo,
Napabilang ako ng isa dalawa tatlo.
Heto na nga, inumpisahan ko ng tumayo,
Tatlumpong hakbang nang makalapit sa iyo.

Iniabot mo ang iyong kamay
Pangyayaring kay tagal kong inantay
Kilig na naramdaman ko’y di mamatay matay
Gabing iyun ay lalong nadagdagan ng buhay
Lalo na nung nagsimula na tayong naglakad ng sabay
Sa oras na iyon ay ayaw ko na sa iyo’y mawalay
Abutan man tayo ng bukang liwayway
Dahil ang sandaling ito’y kailanma’y di ko ibabaon sa hukay

Nagsimula na tayong magtitigan,
Habang ang paa nati’y sumasabay sa agos ng tugtugan.
Alam ko sa sarili ko, ako’y kinakabahan
Pati ako mismo’y di ko rin maintindihan.
Mula noon hanggang sa magpakailanman,
Ikaw ang pinakamagandang aking nakasayawan
Labis ang tuwang aking naramdaman,
Dahil ni minsa’y di ko ito inasahan.

Dumating ang oras , bigla ka na lang sa aki’y inagaw,
Pumatak ang luha at biglang bumitaw
Kasabay ng paglaho ng magagandang kislap na ilaw
Yun na pala ang hinihiling kong huling sayaw
Hanggat’ sa aking mata’y sumikat ang araw
Nagising ako at ang hinanap ko ay ikaw,
Mahal ko, Salamat at sa panaginip ika’y dumalaw
Kahit sa saglit na sandali, napawi ang pangugulila ko sa yong pagpanaw.

A557C144-85FE-4A74-ABBD-300E8AA2F49C.jpeg

Sort:  

Exclusive PROMO

Get 20 upvotes and 10 followers only for join the site.
The 20 upvotes worth 1SBD so why wait get it quickly before the campaign over.
CLICK HERE TO JOIN

naku! nakaka lungkot kabayan. galing sa puso ang tula mo. maraming salamat sa pagbabahagi @oscargabat

Salamat din at ang aking akda’y iyong nagustuhan kabayan. @fherdz

Dapat talaga tinatapos ang tula. Kasi sa una hindi ko masyado magets yung tula. Tama na may tugma sya pero napapatanong ako asan ang huling sayaw>

Tapos yung ending HMMM ahh kaya pala. Mahusay! Ginoo

Maraming salamat sa napakagandang komentaryo @tpkidkai.

Walang anuman ginoong @oscargabat

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63861.47
ETH 3215.28
USDT 1.00
SBD 3.84