"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180510_142309.jpg

"Larawang Kupas"

Gusot-gusot kung ito'y inilabas
Mula sa lilim ng aparador ng mahabang oras
Larawang kupas, naglalaman ng ating landas
Kay sarap balikan, hindi ko maiwas-iwas.

Luma man kung ito'y ituring
Ala-ala hindi maihahambing
Larawan na siyang bumubuo sa atin
At dahilan sa ating mga narating.

Kasiyahan man o sa kalungkutan
Litrato siyang katunayan
Lumabo man sa paglipas ng panahon
Pero memorya nito'y sa puso ibinaon.

Payat, maitim at gusgusin
Ito'y naglalahad ng katotohanan kung ating tutuusin
Pigura, hitsura siya'y walang inilihim
Kailan man ito'y hindi magsisinungaling.

Mga nakamtan, litrato kadalasan kinukuha
Nagsisilbing balik tanaw sa ating gunita
Hindi kailan man maikukubli
Ito'y nagbibigay ngiti sa ating mga labi.

Pose dito, pose doon
Hayaan mong ito'y maglayon
Ilabas ang camera sa kinaroroonan
Masasayang pangyayari, sabay sabay nating kunan.

O! Kay sarap balikan
Ala-ala sa kupas na larawan
Galak at kasiyahan sa puso nakamtan
Hindi kukupas magpakailanman.

Ito po ang aking entry sa #wordchallenge, ang paligsahan sa paggawa ng magandang tula tungkol sa temang larawang kupas

 Sanay inyong nagustuhan😊👍

rigor.png

Sort:  

hey you must try this they are offering free 30 days upvote service for limited time. i am using it for 2 weeks, They upvote my every new post Click here to see the offer

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94