"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

stock-photo-little-boy-holding-photo-frame-with-picture-of-family-happy-memories-concept-499594756.jpg

Larawang Kupas

Ako ay isang ibon na naglalakbay sa buong mundo,
Naghahanap sa larawan na biglang naglaho.
Litratong nagpapabago sa takbo ng buhay ko
Ang sugat nito ay nakatatak sa aking puso.

Sa bawat dilim na aking nilakbay,
Pakpak ko'y kailanman hindi bumigay.
Kahit ako ay pagod na pagod,
Nanatiling malakas at todo kayod.

Hinahanap-hanap ko ang larawan namin ni Ina,
Na kung saan kami ay napakasaya.
Pero ngayon ay tila ba imposible,
Na makita muli ang magandang ngiti.

Lumayo si ina at ako'y iniwan
Sabi ni ama na hindi na ako babalikan.
"Anak wag ka nang umasa pa,
Sapagkat tayo ay kinalimutan na."

Bata palang ako nang si Ina ay umalis,
Kaya ang makasama siya ay ang aking nais.
Wala akong ibang hinihiling,
Sa mga bituing nagniningning.

Ang ala-ala sa larawan ay matagal nang kumupas,
Yun ay ang aking hinahanap, ang lumipas.
Gusto ko, makita muli ito,
Para naman maging masaya itong puso ko.

Ngayon, patuloy parin akong lumilipad,
Nagbabasakali na makita muli.
Ang aking ina na sabik ko nang makasama,
Pero siya ay naglaho na parang bula.

Ang tulang ito ay hindi kathang-isip at ito ay totoo. Ang tulang ito ay sinali ko sa patimpalak ni @jassennessaj . Nawa'y magustuhan niyo po ang tulang ito. Habang sinusulat ko ito, ay walang humpay ang aking pagluha.

Image Source

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98