Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Simbahan

Nakaluhod akong nanalangin
Buong puso't diwa na sana'y pagpalain
Pag-ibig nawa'y makakita ng walang katumbas mamahalin
At habang buhay magmamahalan Diyos iyong dinggin

Sa pagmulat ng aking mga mata
Sa pag unat ng mga tuhod na saksing tala
Bungad ko ang kanyang mata na sa akin nagpapataranta
Pagdungaw ng ngiti sa puso'y pagbabaga

Linggo linggo hanap kana ng mata sa may simbahan
Kahit naghihikahos sa kanya nasisikhayan
Ang planong puso niya'y mapasaakin sana'y matagumpayan
Mapalad nga ako, siya'y nakatuluyan

Kay tamis ng buhay kami ngayon hawak kamay nagsisimba
Nagtagal itong pagmamahalan sa panginoon ito may gawa
Buong pasasalamat sa itaas sa panalangin, pagiibigan nalikha
Ngayon pag ibig inaalay sa simbahan kami ngayon naglalakad sa altar papunta

Salamat sa pag gugol nga mga oras ninyu sa pagbasa ng aking tula.Nawa'y magustuhan niyo

Sort:  

hmm... parang totoo na to...with feelings na jud ni dong ba😍

ahahahhha lageh maam !!! para mas intense ahahah

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61369.52
ETH 2929.95
USDT 1.00
SBD 3.66