Word Poetry Challenge #9: MASKARA

in #wordchallenge6 years ago

MASKARA
orihinal na likha ni
@tinkerrose

link

Lungkot, pasakit, paghagulhol ng nakaraan
Damdaming umuusig ako ba ay patapon?
Kahit itong sariling pilit nilimot ang kahapon,
Isang pilat ang baon madilim na karahasan.

Nakaharap sa mga taong mapagkunwari,
Pilit iwinawaksi ala ala ng mga pighati,
Sa likod ng aking mga halakhak at ngiti,
Ang pag lupig sa kasamaang kay hapdi.

Nalunod man ako noon sa kamalian,
Unti unting pagbangon aking ipinaglalaban,
Nakaharap nakangiti sa mga taong uhaw,
Hindi mapili may tao paring nakiki sawsaw.

Inuungkat sariling pribadong kaganapan,
Kinakayang baliwalain at aking iniiwasan
Sa likod ng mascara napakatatag na sarili,
Nakaharap na para bang walang nangyari.


Ito ang aking tampok sa iyong paligsahan @jassennessaj

Sort:  

Ang ganda po ng gawa nyo Ma’am, maganda ang istorya. Salamat po sa pagsali. Goodluck po.🙂

Salamat ng marami

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98