Word Poetry Challenge #11: Pagsubok

in #wordchallenge6 years ago

Magandang umaga mga makatang pinoy! lalo na kay Ginoong @jassennessaj na siyang nagpaunlak ng paligsahang ito. Ito po ang aking pangalawang entry sa Word Poetry Challenge na may temang PAGSUBOK. Sana po ay magustuhan niyo. Enjoy po at God bless!

C9EC905C-0C61-4287-9F9A-61CCF747E698.jpeg
Original Pic. Taken last July 13, 2018 @ 5:00pm by Oppo F1.

PAGSUBOK

Ika’y may layunin, ngunit ito’y dumating
Daig pa ang ingay sa kampana ‘pag tumatagingting;
Ang bawat desisyon ay dapat pangalagaan,
Bilis ng kilos upang ito’y labanan.

Napapatanong kung bakit sa iyo’y ibinigay;
Ngunit Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang kanyang pakay.
Sa bawat hinagpis ng daang madilim;
Ika’y magpursigi at huwag magmadali.

Ikaw ang tatahak at ikaw ang kikilos,
Lakbayin ang daan upang buhay ay mairaos;
Sapagkat sa iyo’y binigay ang madilim na daan,
Dahil tayo’y anak ni Hesus ng may dahilan.


@tmsz.png

Click here to view my first entry!

For more details of the contest, click the link:
Word Poetry Challenge #11: "Pagsubok" | Tagalog Edition

Sort:  

Ang bawat desisyon ay dapat pangalagaan

Tumpak! Tumpak na ganern na ganern!

yes na yes master!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 69420.53
ETH 3671.20
USDT 1.00
SBD 3.23