Word Poetry Challenge #11: Pagsubok

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Magandang gabi mga makatang pinoy! lalo na kay Ginoong @jassennessaj na siyang nagpaunlak ng paligsahang ito. Naging interesado pa akong sumali sa kanyang paligsahan dahil binibigyan nito ng chansa ang mga makatang pinoy na gustong mag ambag ng kanilang talento sa larangan ng sining. Hindi man po pinalad masali ang aking unang entry ngunit sa kabila ng bawat PAGSUBOK ay pilit titibayin ang iyong sarili upang makamit ang minimithi. Iyan ang naging leksyon ko sa paligsahan na ito. Ngayon ako’y sasabak ulit at sana po ay magustuhan niyo. Enjoy po at God bless!

93DFAFF2-C4DD-45AE-BF4D-05CA08866A82.jpeg
Original Pic. Taken today July 23, 2018 @ 6:19pm by Iphone 6s.

PAGSUBOK

Isang salitang hinamak ng lahat
Siya, ako, tayo ‘di nakaligtas.
Sa bawat lakbay sa tamang daan,
Nang dahil dito may napatunayan.

Sa simula tayo’y kumuha ng lakas,
Hinubog patungo sa tuwid na landas
Ang bawat pagharap ani mo’y pahamak,
Lakbayin ang daan upang ito’y matahak.

Lumaban ka’t huwag magpapa-api,
Kapit kaibigan at ika’y dumampi.
Tibay ng isip ang siyang ating ibig,
Sa huli’y diskarte pa din ang tunay na mananaig.


@tmsz.png

For more details of the contest, click the link:
Word Poetry Challenge #11: "Pagsubok" | Tagalog Edition

Sort:  

@tmsz, enjoy the vote!

Have you claimed your FREE Byteballs yet? Check out this post on how you can get $10-80 just for having a Steem account: https://steemit.com/steem/@berniesanders/get-free-byteballs-today-just-for-having-a-steem-account-usd10-80-in-free-coins

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 69346.64
ETH 3676.67
USDT 1.00
SBD 3.21