"Word Poetry Challenge #1 : TAGALOG EDITION MY ENTRY #1

in #wordchallenge6 years ago (edited)

postcard-1242616_960_720.jpg

Pixabay

"Ang Mapait Na Dinanas Ko"

Sa isang larawang kupas, naalala ko ang pag-tataksil mo.
Hindi ko lubos maisip bakit mo ako niloko
Ang mga rosas na kulay pula at lila
Na minsa'y naging simbolo ng pag-mamahal mo.

Ang puso ko'y unti-unting nabibiyak, di ka nakuntento
Ito ay ginutay gutay mo pa, nahati sa maliliit na piraso
Ang mga alaala nating dalawa na nasa litrato
Masayang masaya ka pa habang ginagago ako.

Ang sakit at hapdi na pumupunit sa pagkatao ko
Napag-tanto ko, na dala dala ko parin ang pighati
Ang mga pangako na dapat ay tinupad mo
Ang pag-sisinta ko na dapat ay sinuklian mo.

Iyon ba ay ilusyon lamang o katotohanan?
Ang mapag-laro kong isipan at imahinasyon
Sapantaha ko ay, tayo ay magkaiba
Sa larawan ka lang pala mapapagkatiwalaan.

Bakit hindi mo ako minahal nang kagaya ng pag-mamahal ko sa'yo?
Ang paraan na kagaya ng pag-mamahal ko.
Ang mundo ko ay lumasi sa buong paligid
At ngayon ako ay walang magawa.

Ang kalungkutan ay isinara na sa kupas na larawan
Ito'y higit pa sa kaysa sa maaari kong gawin
Wala akong pag-pipilian kung hindi lumukob
Ito ang tadhana na dapat kong bagtasin.

Mahal kita, higit pa sa salitang sinasabi ko
Pero hindi ko na kayang tingnan pa ang larawang ito
Sa mga nararamdaman ko, minsan ako'y nag-kuli
Ang kalungkutan ko ay higit pa ang layo sa planetang pluto.

Nandirito lang ako kung saka sakaling mag-bago isip mo
Mag-desisyon ka kung ano ang tunay na hinahanap mo
Sa ngayon itatago ko na ang puso ko, malayo sa larawan mo
Ngayon tuluyan ko nang isasara ang pintuan ng puso ko.

#wordchallenge


GIF-180316_162802.gif

THE-KAPE-BOYZ.gif

Sort:  

..tumutulo s mga mata ko ang sakit n iniwan mo
..dunudurog ang puso ko s mga salitang binitawan mo
..habang nalulunod ako s imahinasyon n babalik ka pa..
..at habang nag durugo ang puso ko n sinoli mo ng hindi buo...

..ahahahaha 😂😂😂

Ikaw ang master ko pag-dating sa mga ganyan hehe. Aray aray naku! O kay sakit naman nang ginawa mo haha. Nilunok niya ang lahat ng mga sinabi niya at sabay ibabaon ko na haha.

..ahahahaha ung mga fav song mo...😂😂😂

Bakit ako lang? Haha paborito natin.

Juicekoooo pait pa man ni sa apdo!

Haha. Hindi ko kasi alam ang salitang "tamis o matamis".

Aray! Napakasakit kuya Eddie! Ang sakit nito. Dama yung hugot ng emosyon. Ibang-iba sa isang entry mong tiktik. Hehehehe

Hindi Tiktik yun lol. Larawang Kupas yun haha. Ano lang pag-katapos nang lungkot medyo masaya naman para naman hindi nila sabihin na bitter ako. Saka nag-aaral pa lang ako mag-rhyme :D

Tiktik na kupas na lang. 😁
Ayyy hindi naman bitter agad. Medyo bitter pa lang siguro. Heheheh. Saka magaling ka nang magtugma. Saka pinakaimportante naman yung idea. 😊

Lolol madalang ako mag-rap ng tagalog sa totoo lang. Ntatawa rin ako sa sarili ko para na rin akong sila haha. Sa totoo lang ulit talagang hugot to. Hindi naman ako magsisinungaling. Tugmaan tagalog parang hindi ko kaya kasi may masabi lang, kasi kapag gumagawa ako lyrics hango talaga sa totoong buhay.

Mag-fliptop ka rin minsan boss. Yung malupit. Heheheheh. Hugot sa ubasan ba boss? :D
Mas dama rin kasi talaga kapag may pinaghuhugutan. Marami ka namang baong hugot boss kaya sisw na yan sa 'yo. :D

Hindi totoo yung mga sinabi ko doon. Maski isa walang totoo don. Kay fakeass din ako minsan. Wala akong "K" mag rap hehe. Ika nga I never did shit wrong. Writer ng mga gangsta rap talaga ako tas napunta dito nag try at ngayong trying hard sa mga pabebe hehe thanks ulit sa'yo miss pro writer.

Ang sakit sakit! Tagos sa puso! Damang dama! Iba ka talaga master!

Lol master ka diyan. Kailangan pa kasi iwanan ka siguro dalawang beses para maka-gawa ka ng isang tula haha.

Ang tindi naman talaga ng kinalabasan, diba? Sabi nga John Lloyd, minsan kaya tayo iniiwan ng mahal natin... kasi.... Para makagawa raw tayo ng malupit na tula. Hahaha

Hindi lang iyon nakakagawa pa tayo ng fiction haha. Baka may 3rd chance pa sila. 3 times na magpapaka tanga haha.

Ang sakit naman ng tulang ito sir. Pero ang husay ng iyong pagkakagawa! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻

Sorry naman hugot kasi hehe. Thank you sali ka @jonincalara sayang 10 SBD kasi hehe malay mo ikaw manalo.

Nako sir napagawa nga ako ng tula dahil sayo hahaha 😂😂😂

Suportahan naten yan full power na dapat mga tiga Bulacan hehe

Uploaded na po haha

iba talaga magmahal ang KAPE BOYZ......eksperyensyado sa sakit, pagbangon at pagbabago.....hehehehehe

Hindi ito master iyong bago haha.

Aray ko po. Medyo madrama ito.

Batid ko boss na mas gusto mo action kaysa sa drama hehe.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63642.15
ETH 3126.93
USDT 1.00
SBD 3.87