Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina

Mabuhay mga Makatang Pilipino!

Sa muli ay naririto ang iyong lingkod upang ibahagi ang aking orihinal na likhang tula upang makibahagi sa ika-anim na edisyon ng Word Poetry Challenge Tagalog Edition na pinangungunahan ni @jassennessaj na may temang Aking Ina. Sadyang kapana-panabik ang bawat tema sa bawat edisyon ng patimpalak na ito. Kaya naman narito ang aking partisipasyon. Sana ay magustuhan mo Kabayan. :)

unnamed (2).jpg
Pinagmulan

Aking Ina

Sa gabing madilim tala ko ay bituin,
Sa malamig na hangin, sa iyong bisig ay nahihimbig,
Haplos ng aking inang puno ng pagsinta,
Di mailalarawan ng ano mang salita.

Ang kanyang malambing na himig ay naririnig,
sa saliw ng hangin, musika ng pag-ibig.
bawat haplos na kanyang ipinamamalas,
pagmamahal ng inang tunay at wagas.

Sa pagsilay ni haring araw sa umaga,
ang mamasdan ang iyong mukha ay ligaya,
sa puso ko'y hatid ay galak at pasasalamat,
sapagkat ipinagkaloob regalong katangi-tangi sa lahat.

Bagamat ngayo'y tila ika'y nakakalimot na,
paulit-ulit mang itanong kung ako ba'y iyong kilala,
ay hindi magsasawang saiyo'y ipaalala,
na ako'y iyong anak at ikaw ang mahal kong ina.

Pagkat ika'y regalo mula sa Maykapal,
aking taga payo at nag papangaral,
sa bawat yugto ng aking buhay na makabuluhan,
ako'y iyong ginabayan at inalalayan.

Aking hahaplusin ang iyong mapuputing buhok,
at kung paanong ako'y iyong awitan sa aking pagtulog,
ako'y iyong magiging tala sa gabing madilim,
ika'y aking babantayan kasama ng mga bituin.

Maraming salamat sa oras na iyong inilaan upang basahin ang aking akda Kabayan!



Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to @hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Tagos sa puso ang bawat linya ng iyong tula @wondersofnature at talagang madadama mo talaga ang emosyon na nakakubli. Halos mapaiyak na ako sa huling parte ng tula. Mabuhay ang ating mga ina! Mabuhay mga makatang Pilipino!

Isa na siguro sa pinaka nakakalungkot na bahagi ng pagiging anak ay ang dumating ang panahong makalimot na ang ating mga ina. Bagama't nakakalimutan man nila ang ating mga pangalan ay alam natin na nanatili tayo sa puso nila. At iyon na nga ang takdang panahon at huling pagkakataon upang masuklian natin ang kanilang pag-aaruga sa pahanong sila naman ang nangangailangan. Ako'y nagagalak na iyong nagustuhan ang aking likhang tula. Mabuhay ang ating mga minamahal na ina!

Tama po kayo dyan. Bagamat makakalimot man tayo ay habang buhay na mananatili sa kanilang puso. At nararapat lang na suklian natin sila sa kanilang mga sakripisyo at paghihirap para sa atin dahil walang tutumbas at papalit sa ating mga minamahal na ina :)

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.29$.
Learn how to Power Up Smart here!

Napaluha pu ako nang mabasa ang iyong tula sis @wondersofnature (huhubels)
Tunay nga na kapuri-puri ang mga ina. Salamat sa iyong pagpapaalala na sila naman ang alagaan at intindihin sa kanilang pagtanda.

Salamat @lingling-ph! Tama sapagkat nag-iisa lang ang ating ina. Bagama't may mga panahong hindi pagkakaunawaan subalit sa katapusan ay sila parin ang ating takbuhan at magpapatahan sa ating pag-iyak. Ako'y nagagalak na iyong naibigan ang aking likhang tula :) Isa ring karangalang ako'y inyong naitampok sa @tagalogtrail. Maraming salamat!


This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Wow! Thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64420.25
ETH 3150.23
USDT 1.00
SBD 3.99