Buhay Kolsenner

in #fiction6 years ago

Tooot! Tooot!

Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Arlene bago pinindot ang buton sa telepono at itinapat ang mikropono ng kanyang headset sa bibig.

call-center-1015274_1280.jpg
Source

"Thank you for calling KCB, to whom do I have the pleasure of speaking with today"

Hindi mo aakalaing isa siyang Pilipina sa pagkakabigkas niya ng opening spiel nila.

"Finally, an english speaker!"

Sanay na siya sa mga papuring iyon. Ilang taon na rin naman siyang nagtatrabaho bilang isang call center agent. Hindi umaangat ang posisyon niya dahil palipat lipat siya ng kumpanya. Kapag nagsawa, magpapasa siya ng resume sa mga kapitbahay na contact center at dahil magaling siyang magprisinta ng sarili ay agad namang natatanggap. Bentahe niya na rin ang matatas niyang American accent. Ilang bisor niya ma ang nagrekomenda sa kanya na maging trainer kaya lang ay lagi niyang hindi sinisipot ang interview.

"Oh, actually sir, I'm a Filipino." malambing na pagtatama niya sa kausap sa kabilang linya habang nakangiti.

images (18).jpeg
Source

"Oh, I didn't know monkeys could talk." puno ng sarkasmong sagot ng lalaki.

Pinindot muli ni Arlene ang buton sa kanyang telepono para hindi siya marinig ng kausap.

"E taran@$#&^/ pala tong siraulong unggoy na to! Unggoy pala ah! Huwag kang makahingi hingi sa kin ng credit."

Unang tawag pa lang na natatanggap niya ngayong gabi. Kakasimula pa lang ng shift niya at walong oras pa siyang tatanggap ng nga tawag. Tinanong niya kung ano ang dahilan ng pagtawag ng kausap. Imbes na sagutin ang tanong niya ay naghanap ng ibang makakausap. Sa maniwala ka at sa hindi, di ko rin gustong makausap ka pero wala naman akong magagawa dahil trabaho ko ito kaya sagutin mo na lang ang tanong ko nang matapos na tayo. Sa wakas ay napilit niya rin ang kausap na sagutin ang tanong niya. Nililitanya nito na may halaga sa bill niya na hindi niya dapat bayaran dahil mali ito.

Muli ay pinindot ni Arlene ang buton na makapagtatago ng lahat ng emosyon niya mula sa banyagang mapang alipustang nanghihingi sa kanya ng palugit sa pagbabayad ng kaniyang buwanang bayarin sa linya ng telepono. Alam niya na ang isasagot sa kausap, kailangan niya lang talagang pakinggan ito sa mga hinaing para maramdaman nitong nagmamalasakit siya rito.

Sa lahat ng pinasukan niyang call center, dito pa lang siya nagtagal nang dalawang taon. Paano ay masaya siya sa mga kasama niya.

Abala ang katabi niyang si Joyce sa pakikipagtawanan sa kausap nito sa telepono. Likas na masayahin ito habang nakikipag usap sa mga banyaga. Hindi mahahalata sa maharot nitong paghagikhik habang nakikipag usap na may sakit ang anak nito at kasalukuyang nasa ospital. Lagi itong walang tulog dahil pagkagaling nito sa shift ay dumederetso na ito sa ospital para pumalit sa ina sa pagbabantay sa anak. Ang kaniyang asawa ay nasa ibang bansa sa Gitnang Silangan para magtrabaho.

"It has been a pleasure speaking with you Mr. Smith. Have a great day!" tumingin pa ito sa kanya nang nakangiti. "Upsell na naman! Malaki-laki talaga ang bonus ko nito".

Ngumiti siya rito at saka naalalang may kausap din pala siya.

"Not to worry Edward. I'll have the charge removed today. It will reflect on your next billing statement." Tinawag man siya nitong unggoy kanina, ayaw niya na lang awayin dahil tulad ni Joyce, nangangailangan din siya ng bonus. Umiirap siya habang binibigkas ang closing spiel dahil siguradong sigurado siyang hindi soya nasiyahan sa pag-uusap nila at wala rin siyang pakialam kung maging maganda man ang araw nito o hindi.

Kailangan niyang i-dokumento kung ano ang napag-usapan nila kaya hindi pa muna siya kumuha ng kasunod na tawag. Lumapit sa kaniya ang bisor nila at sinabing kailangan siyang makausap nito. Nagpupunyagi ang puso niya dahil maliligtas din siya ng ilang minuto sa pakikipag-usap sa telepono.

coaching-empresarial.jpg
Source

"Bakit mo sinasayang ang abilidad mo Arlene?" Walang ligoy na sabi ng Team Leader nila sa kaniya nang makalapit siya. "Ang init ng ulo TL. Ano na naman ba ang ginawa ko?" Bahagya siyang natigilan nang makitang seryoso ito. Late na naman kasi siya kahapon. Pangatlong beses na ngayong buwan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit parang nawawalan na siya ng ganang pumasok gayong masaya naman siya sa mga kasama niya sa opisina. Ang TL niya ang sumasalo ng lahat ng galit ng Operations Manager nila kapag may isa man sa kanila na hindi sumusunod sa standards.

Naaawa rin siya rito. Ilang buwan na lang ay ikakasal na ito pero parang mas marami pa siyang stress na nararamdaman mula sa opisina kaysa mga preparasyon para sa kasal. Mahigit sampung taon na ito ang nobyo. Kung hindi pa nito pinagbantaan ang nobyo na iiwanan kapag hindi pa sila nagpakasal ay hindi pa magpo-propose ang lalaki. Hindi niya alam kung kailan nila sasabihin sa TL ang nakita nila kamakailan lang. Nakita nila ang nobyo nito na may kasamang ibang babae.

"Baka kaibigan lang." Pero noong hinawakan nito ang kamay ng kasamang babae ay nagkatiginan sila.

"Baka ganun lang talaga silang magkaibigan. Uso na yun ngayon." Pero noong halikan ng babae sa labi ang nobyo ng TL nila, sabay sabay silang napabulalas. "CONFIRMED!"

"Arlene, huling pagkakataon na ito ha. Kapag naulit mo pa ulit ito, wala na akong magagawa. Nakamata na si OM sa bawat kilos mo. Kung bakit ba kasi hindi ka pa magpapromote na trainer, sana mas maganda ang schedule mo." Alam naman niya na iyon. Susubukan niyang ayusin ang attendance niya. Sana magawa niya.

business-2884023_1280.jpg
Source

"Uy teh, ngayon na yung due date nung order mo ha. Abot mo na lang sa kin, tsaka tingnan mo na rin tong brochure kong bago, baka may magustuhan kang bra." Parang kasama na sa buwan buwang budget niya ang pagbabayad sa mga inorder niyang bra, pabango, tsinelas, kape at kung anu ano pa. Ang lakas kasi talaga mangumbinsi ni Dianne. Iba ang karisma nito. Lahat na yata ng networking pinasok na nito. "Ganun talaga pag walang jowa pero may junakis. Ibang klase rin kasi yung tatay ng anak ko, pinanindigan talaga na sperm donor lang talaga ang papel niya sa buhay naming mag-ina."

"Sige sige. Sabi ko naman kasi sayo ita-transfer ko na lang online eh."

Tumingin-tingin muna siya sa brochure ni Dianne. "I'm sorry but all the supervisors are engaged on a call right now." kumindat pa sa kanya habang nakadila ang bakla nilang ka-team. Bumalik ito sa kausap. "Ok hold on a sec ma'am. I'm going to check." Pinindot nito ang hold button at inalis ang headset sa tenga.

"Mabulok siya diyan kahihintay. Eto maganda, bakla. Binigay ko kay mudrakels yang lipstick na inorder ko bagay na bagay. Magkakulay naman kayo ni muji, same shade lang kayo." Inagaw nito ang brochure sa kanya at inilipat sa pahinang tinutukoy bago ipinakita sa kanya. "Dianskie pag umorder to si bakla may porsiyento ako ah. Hahaha" biro pa nito bago binalikan ang kausap sa telepono. Umubo-ubo pa muna ito bago nagsalita ulit. Sabay silang napalingon sa bakla nang muli itong magsalita. Paano'y hindi ang normal nitpng mala-babaeng boses ang narinig nila kundi ang malalim na boses panlalaki nito.
*"Yes, this is Dave, one of the supervisors."

Naiiling na lang siya sa kalokohan ng ka-team. Pagbalik niya sa station niya ay lunch break na nila. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo at inaya na ang kaibigang si Becky sa smoking area.

woman-918616_1280.jpg
Source

"Tinatamad na ako talaga Becks." sabi niya habang sinisindihan ang stick ng sigarilyo. Inabot niya ang lighter sa kasama at ito naman ang nagsindi.

"Ling, ilang beses ko nang narinig iyan." Prangkang sagot ng kaibigan. "Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka na lang nale-late. Kung ako sa iyo, ayusin mo na lang yang attendance mo, tutal maganda naman ang QA mo, mag-apply kang QA. Ikaw na lang pumalit dun sa magreresign." Bumuga ito ng usok. "Pero balita ko, di yun magreresign. Ligwak yun kasi nabuking na yung relasyon nila ni OM."

Ang pinakamalapit niyang kaibigan ang opisyal na tagapaghatid ng mga tsismis sa opisina nila. Walang lihim na naitatago sa taong ito. Pero mabait ito at kwela kaya lagi niya itong kasama. Mabuti na lang at absent ito nang makita nila ang nobyo n TL. Pero para sa kanya, mas maganda pa nga siguro kung kasama na lang itk para siya na lang ang magsabi sa TL nila ng katotohanan.

"Seryoso ako. Paulit-ulit na lang ang gawain natin. Gigising tayo, papasok sa opisina, magla-log in, tatanggap ng tawag. Masisigawan pero hindi tayo pwedeng sumagot para ipagtanggol ang sarili natin. Tatawagin tayo ng kung anu-ano. Kanina lang, tinawag akong unggoy ng kausap ko dahil nalaman niyang pinoy ako. Pero kinailangan kong manawagan sa lahat ng santo para lang hindi ko ibalik sa kanya ang sinabi niya. Para tayong mga alipin. Alipin ng mga Onaks. Alipin ng salapi." Humithit siya ng sigarilyo habang nakatingin sa kaibigan. Ewan kung nakikinig ba ito sa kanya. Nagpatuloy siya.

"Kapag naman ginalingan mo masyado, dadagdagan ang trabaho mo. Ayokong maging trainer. Napakaiksi ng pasensiya ko para magturo. At lalong ayokong mag-QA. Baka masisante ako hindi dahil sa nakipagrelasyon ako sa OM kundi dahil nanapak ako ng agent na ku-kuwestiyon ng gradong ibibigay ko sa kanila."

"Hindi ata para sa akin ang linyang ito." nagsindi pa ulit siya ng isa pang yosi.

"Talaga ba? Ilang taon ka na nga sa call center? So ano? Hobby mo lang magpuyat gabi-gabi at magpanggap na onaks sa accent? At bakla, ilang taon ka na rin? Anong gagawin mo? Babalik kay muji at puji para maging pa-laps (palamunin) na lang nila at maghihintay na lang ng pamana? May palayas layas ka pang nalalaman diyan, independent kemerloo, tapos aarte ka? Tandaan mo, walang paki ang bills mo kung kailangan mong mag-soul searching. Sisingilin ka ng mga iyan buwan-buwan. Ganito kasi sa tunay na buhay bakla. Witchels tayo sa teleserye." Nasa pangatlong yosi na si Becky.

"Init ng ulo mo. Tara, kain na tayo. Libre kita."

Natapos ang shift nila at masayang nag kani-kaniyang biyahe ang magkaibigan pauwi.

Kagaya ng dati, paalis na ang mga kapitbahay niya, siya pauwi. Fresh na fresh sila dahil papasok pa lang sa opisina, siya naman ay napaglipasan ng panahon ang hitsura sa pinaghalong antok at pagod. Pero masaya siya kasi sweldo naman ngayon.

Paggiaing niya kinagabihan, may chat ang kaibigan sa kaniya.

"Bakla, ano? Iiwan mo na ba ako? Magreresign ka na ba talaga?"

"Oo teh. Ayaw ko na. Kapoy work!"

Nakita niya ang tatlong tuldok na palatandaang nagta-type ang kaibigang tsismosa ng mensahe. Hinihintay niya ang sasabihin nito. Mukhang mahaba haba ang mensahe dahil ang tagal na ay tatlong tuldok pa rin ang nakikita niya.

Nakangiti siya na nag-type ng message niya.

"Char lang! Poor ta!"

Send.

"See you later Becks!"


Ang katagang kolsenner ay isang salitang imbento ng mga taong nagtatrabaho sa call center bilang patawang pagbigkas ng trabaho nila. Halaw ito sa slang na pagbigkas ng call center.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

Sort:  

Kapag negro nagbabasa as in negro na amerikano. Kol sentah haha ewan ko kung anong lahi kapag kolsenner haha.

Pag kol senner mga pinoy yan na nagpupumilit magtunog onaks. Haha

Wla sa alphabet namin ang salitang R cheret! haha

Alalang-alala ko pa spiel ko...

Thank you for calling Spr_ _ _ together with Nex_ _ _, this is Stacy, how may I help you?

"E taran@$#&^/ pala tong siraulong unggoy na to! Unggoy pala ah! Huwag kang makahingi hingi sa kin ng credit."

Alam na this, ang daily limit ko dati ay 150USD pero never akong nag aadjust ng account jajaja mamatay sila sa kaka away sa akin, Nevahhh! Maliban lang talaga sa mga sweet, malalambing, matatanda.

I play fire with fire. Ika nga what does not kill me, makes me stronger. Ikaw @romeskie?

Nung hinawakan ko ang spr___ ndi pa sila partners ng nex___. Haha. Mapagbigay ako sa credit. Lalo nung pumasok akong lasing. Bumirit akong nagbigay ng buong credit. Haha. Sakit sa tenga ng boses eh. Wahahahah

Grabehhh pag bet ko talaga Ang caller Yun! Hay naku Kaka miss na Ewan, ayoko nah! Miss ko Lang siguro mag dress up kasi kapanahunan Ng kolsener di ako geek looking! Lol. Ngayon na backpacker na, minsan di ako mukhang Tao jajajaja. Wala ka bang balak mag VA @romeskie

Ayoko na makipag usap sa telepono. Haha. Mula nung naging workforce ako, di ko na pinangarap mabalik sa phones.. hahaha

galing! kuhang-kuha pati mga dialogue. hindi fiction ito, sa tingin ko halaw sa tunay na buhay ito. at si ate @romeskie ung tsismosa na nagkikwento. nyahaha! 😂

Hahahah. Fiction iyan. Mga pinaghalo-halong sitwasyon na kuha sa totoong buhay sa iba't ibang panahon sa iba't ibang lugar. Kaya fiction yan. Di ako tsismosa. Bad yun. Kung tsismosa ako, dapat ni-screenshot ko na ang mga conversation natin at binigay kay ano.. hahahahah

huy!!! nyahaha! shhh... wag kang ganyan. ipapahabol kita sa rocketship kapag may sinabi ka. ipapatumba talaga kita kay papa ritsard at ipapasaksak. nyahaha! 😂

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 59071.36
ETH 3001.95
USDT 1.00
SBD 3.66