Lihim na Mensahe at ang Pagtatagpo | Dear @zephalexia "Kung Maibabalik ko lang " - #Steemitserye Third Edition , Part 2

in #steemitserye6 years ago (edited)

Magandang araw mga giliw kong kapwa manunulat . Kumusta kayo. Ngayong araw ay nais kong makibahagi sa #steemitserye na sinimulan ng aking butihing kaibigan at aking masasabing steemit hugot queen na si @sunnylife. Narito ang artikulo ni @sunnylife sa kung anu ang #steemitserye para mas lubos niyong maunawaan. Kagabi ay naumpisahan na ng aking sisteret na si @avhyaceulip ang unang bahagi ng "Kung Maibabalik ko lang" , at narito ang aking pagpapatuloy...

Tinginingining.. ngining.. nginig (palawakin ang imahinasyon na kunwari ang tunog na yan ay kunwaring kasabay ng pag fade in ng simula ng istorya)

PicsArt_05-11-01.52.34.jpg

Dear @zephalexia ,

Ako po si Yannah , at alam kong naibahagi na sayo ni @avhyaceulip ang unang bahagi ng aking kwento , sa huling parte neto ay aking nasambit na nakatanggap akong muli ng mensahe sa aking telepono mula kay Roy , hindi ko mawari kung bakit mas naliligayahan ang aking puso, sa tuwing nababasa ko ang kanyang mga mensahe kesa sa mga mensahe ni Joey. Alm kong kahit papaanu ay may mali , pero bakit parang sa aking puso ay tama? Sa huling text ni Roy na , "Miss na kita Mae ko, sana mabigyan mo pa ulit ako ng isa pang pagkakataon" , lumipas ang araw na iyon na hindi ko pa tin siya nasasagot. Hanggang sa pag gising ko ulet ng isang umaga , tumunog ang cellphone text alert ko ng 2 beses, "Morning Mae ko, kumusta ang iyong pagtulog? Nawa ay napangiti kita sa iyong paggising. mensahe mula kay Roy; Magandang umaga Yannah , gising ka na? kumain ka na ba?" , mensahe mula kay Joey . Grabe @zephalexia , hindi ko alam kung sino ang dapat kong unahin sagutin, ang nagawa ko na lamang ay isubsob ang aking mukha sa unan at sumigaw. Pero nang hawakan kong muli ang akinh cellphone , anu bat dumiretso ang aking mga daliri sa pagtype sa isasagot ko kay Roy , "Magandang umaga din sayo Roy, ok naman ang aking pagtulog, salamat" , gusto ko pa sanang habaan ang aking sagot, ngunit baka isipin niyay ayos na ang lahat at kinikilig na naman ako sa kanya. "Kumusta ka na Mae? Miss na kita , gusto sana kitang makita o makausap muli", sagot ni Roy. "Kailangan ko na magintindi may pasok pa ko sa school, imessage na lang ulet kita Roy" , "Okay , sige naunawaan kita, ingat ka sa pagpasok mo" , Naptigil ako at napatulala saglit, napapaisip , na para bang may bumubulong sakin at nagsasabing sige na Yannah, makipagkita ka na, bigyan mo na siya ng isa pang pgkakataon. Hay anu ba ito? naloloka na ako, Bumangon na ako at nag-asikaso ng aking sarili pagkat sa araw na ito ay magkikita kita kami nila Cathy , Joey at iba pa para sa pgsisimula ng thesis namin. Sa school , habang nasa library kami, "Yanah, may message ako sayo kaninang umaga, di mo ba natanggap?" , medyo nahihiya akong sumagot , "Ah, eh... oo, natanggap ko naman , e di na kita nasagot kasi nagmamadali na akong magintindi papunta dito" , yan ang aking nasambit ; "Ah ganun ba? , hindi sige ok lang, kasama naman kita ngayon kaya masaya na ako" , Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Joey , "O siya siya , umpisahan na naten ito at madami pa tayong ireresearch", nagsimula na kaming mangalap ng mga impormasyon para sa aming thesis. Habang busy ang lahat sa pagsusulat at pagreresearch , tumunog ang text alert ko, nagulat ang lahat kasi nakalapag lang ang aming mga cellphone sa lamesa , nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko para makita kung sino ang nagmessage , Roy: "Mae, kumusta ka diyan sa school , sa Sabado at Linggo ay pahinga ako sa aking OJT, maari ba tayong magkita or puntahan kita sa bahay?" ,

@zephalexia , alam mo bang automatic na napangiti ako na para bang ako lang magisa sa library at pansandali kong nakalimutan na nasa harap ko lamang pala ang aking ka M.U. na si Joey. "i-message kita mamaya Roy, busy pa lang ako sa thesis namin ngayon" , "O sige Mae, aantayin ko message mo mamaya ha? ingat ka diyan , wag ka magpapagutom" . Hala! grabe at sobrang pagkakangiti na lamang ang aking nagawa , habang hawak ko ang cellphone ko at nakatulala , "Uy! best! anyare sayo?? , yung ngiti mo oh, lagpas tenga ah" , sabi ni Cathy , "O nga Yanah, mukhang msayang masaya ka s anabasa mo ah, sino ba yan?" wika ni Joey. Bigla akong naliwanagan at sabay sabing , "Ah wala.. wala.. si.. si mama lang, kasi may surpresa daw sila ni papa sakin" , "Ah okay , mukhang malaking surpresa yan Yannah, kasi napaksaya ng mukha mo"

Dumaan ang mga araw at gabi , at buong linggong iyon ay nagkakatext kami ni Roy, nang di alam ni Joey. Malalambing na muli ang mga mensahe ni Roy, gaya ng "I love you" , "I miss you" , at napaka maalalahanin din niya. Di ko namalayan na nakakalimutan ko na pala si Joey. Isang gabi nagmessage si Roy, "Mae, andito ako sa harap ng bahay niyo, Biyernes kaya maaga kaming natapos ng mga gawain sa OJT at pinayagan na kaming makauwi" , "Anung ginagawa mo dito samin? , di alam nila nanay at tatay na nagkakausap na ulet tayo" , Roy: "Gusto ko sanang magkausap tayo ng personal at maayos, Mae." , "O sige , intayin mo ko diyan at lalabas ako" . Inayos ko ang aking sarili , bumaba ako at pagkakita sakin nila nanay at tatay, sinabi ko sa kanila na maguusap lamang kami ni Roy ng malinawan kami sa kung anung meron sa amin. Sumangayon naman sila , at agad kong pinuntahan si Roy sa labas. Habang papalapit ako sa kanyay bumibilis ang tibok ng puso ko at akoy nanlalamig, hanggang sa bigla na lamang akong niyakap ng mahigpit ni Roy, sabay sabing , "Mae, namiss kita, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo, patawarin mo ako, kung kinailangan kong iwan ka pansumandali, sana magkaron pa ulet tayo ng pangalawang pagkakataon" , wala akong nagawa @zephalexia kundi higpitan din ang yakap sa kanya at nagsimula nang pumatak ang aking nga luha. Maya mayay naalala kong nakalimutan ko ang aking cellphone sa aking kwarto at nawala din sa isip ko na ang gabing ito, ay ang gabing dadating din si Joey, para malaman ang sagot ko kung hanggang MU na lang ba kami o maglelevel up. Naging mas malambing ang usapan namin ni Roy, na waring lalabas na sa aking mga bibig ang salitang mahal ko pa rin siya, natahimik kami pareho.. , nagkatitigan, hanggang sa papalapit na ang mukha namin sa isat isa , Malapit na sanang maglapat ang mga labi hanggang sa may narinig akong boses.... "Yannah??"

Boses iyon ni Joey @zephalexia , dumating siya sa takdang oras na napagusapan namin, isang buwan matapos ang pagsabi ko sa kanya na M.U. kami, para malaman kung magiging nobyo ko na siya, subalit naabutan niya kami ni Roy sa ganung eksena, hindi ko alam ang gagawin ko? nahihiya ako kay Joey at ayaw ko din namang maawa lang sa kanya, pero andito na ulet si Roy, hindi ko alam ang gagawin ko sa pagtatagpong ito, anu ba ang dapat? Sanay matulungan niyo po ako at nang mga masugid na tagabasa ng #steemitserye.

Lubos na nagmamahal,

Yannah Mae

Sa pagpapapatuloy ng kwento ni Yannah , ipinapasa ko ang korona kay sis @yennarido sa pagsakit ng bangzzz. LOL , maraming salamat sis sa iyong pagpapaunlak ❤️❤️❤️

Thanks for reading!

Sort:  

Wow..LODI....kawawa nmn ni joey..hahahaha..😁😁.nangmahal umasa at nasaktan ooowhhhttsss..ang sakit..bheeeesh..hahaha😁💞galing .

good evening to you sis , salamat sa pagbasa at pagbisita sa blog ko. ok lang ba sayo kung ikaw ang gumawa ng kaduktong ng story ko?

Sege sis.taos puso kung tatanggapin ang alok mo....gawa ako baka mamayang gabi..hahahaha..😁😁

thnx sis hehehe

sis @yennarido meremeng shelemt 😘

Nakagawa na ako sis hahhahaha😁

Ang galing niyo sis @zephalexia ❤❤❤
Pero kawawa naman si Joey.
Nagmahal, Umasa, Nasaktan at Nangangambang Iwanan 😢😢

hehe panalo sa comment hehe
hirap anoh? kaka excite sobra!

kaninong team ka? hahaha
saket beshhh haba ng hair ni Yannah daming boys lols

Team Joey ako hahahaha 😁😁😁
Mas gusto ko kasi yung mejo umaasa kasi parang mas totoo yung love na ipinapakita nila lols pero sayang din naman si Roy, hay hirap sis hahahaha 😂😂

kaya nga di ko din alam gagawin ko e, hahahaha. thanks sis @jennybeans

Ang galing mo nga sis... Mapa singing, dancing and writing talagang saludo ako sayo sis 🙌 @zephalexia

haha kinilig ako sobra ayayyyay haba ng hair ni Yannah.
Hirap naman nito hahaha bahala na si @yennarido abangers :)
sakit sa bangz! lufet! Gleng sis!

Nawendang namana ko sa intro mo hahha charott ka ah lols

sis super thanks. hahaha. yung mga into talaga ang bet ko e, mad maganda kung live production to at di lang script. LOL, with music sis , tinginingining... hahaha. from the creator of #steemitserye , our steemit hugot queen, @sunnylife ❤️❤️❤️

Aba ang pagkakabilis ng part 2 ah ah....galing galing mas masakit sa bangz story mo sis..hahahahahaha

gleng nyong dalawa thnx sis.
sakit sa bangz! hahaha

You got a 3.94% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

gravee lufet maya ko balikan ulet nagpapatubo ako ng bangz
gleng! thnx sis xoxo

waaaaah! @zephalexia... nakakaloka na yung ginawa mo.. medjo late na yung comment ko pero binalikan ko pa kasi yung simula haha,,,at dahil may kasunod na na part wala na masyadong tulong ang payo ko hahaha.. pero ang ganda sis.. nakakatuwa.. I have been smiling the whole time while reading this part =)

Tinginingining......
Waaaahhhhh...ngayon pa talaga ako nakachance dito. Hahaha.
Grabeh talaga karisma mo Roy! Wahahaha. Kahit sinaktan mo na un tao. Ayan na naman tatanga tanga. Wahahaha. Grabeh ka! Gusto mo talaga makuha gusto mo. Wahahaha. Sakit sa bangz! Si Yannah naman kumakaringking ulit. Wahaha. Love daw niya si Roy. Waaahhh. Iiyakan mo lang ulit yan. Hahaha. Grabeh parang sa totoong buhay lang. Wahaha.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64093.86
ETH 3123.80
USDT 1.00
SBD 3.94