IKA-9: SELFIE AT IPINAPAKILALA KO ANG AKING SARILI. (INTRODUCE YOURSELF.) HAHA.

in #steemph6 years ago

hy22e9zg2c.png

Ito nga pala ang aking Ika-9 na tampok para sa Buwan ng Wika at pa rin na rin sa mga pogi at magaganda na nagtataka kung bakit wala akong #introduceyourself. Sabi kasi sa akin ni @mhelow na aking kapitbahay ay gumawa lang ako ng account dito sa Steemit. Kaya iyon wala akong #introduceyourself. At saka iyan na ang pinaka-selfie ko. Nahihiya kasi akong makita niyo ang aking eyebags na mahiya mo luggage na sa laki. Kaya naman ito na ititira ko na nang sabay-sabay. Ika-9 at ipinapakilala ko na ang aking sarili.

Ang aking pangalan ay DeShawn H. Tragnetti. Alam ko naman na alam niyo na iyan kasi halatang-halata naman na at saka nakalagay naman sa profile ko ang aking tunay na pangalan. Nakatira ako sa Santa Maria, Bulacan (huwag niyo nga pala kalilimutang suportahan ang @steemph.bulacan) at ang edad ko po ay 33 taong gulang, wala po ako balak itago iyan at hinding-hindi po ako magsisinungaling patungkol sa edad ko. Ang trabaho ko naman ay simpleng-simple lang isa akong tiga-imbentaryo at saka tiga-kabit lang ng sticker. Ang sahod ko ay minimum lang. Kaya naman kung pera lang hanap niyo sa lalaki ay malamang hindi ako ang inyong hinahanap. Binata nga po pala ako walang asawa at higit sa lahat wala pang anak.

Ngayon ito naman ang mga gusto ko maging; Abogado, geologist, disk jockey o Dj at higit sa lahat maging isang ninja. Ang madalas ko namang gawin ay; manood ng a pelikula at anime, makinig ng rap habang umiinom ng kape at manood ng palakasan o sports. Ang madalas ko pong pag-inom ng kape ay nagresulta po nang pagiging nerbiyoso ko at saka pagiging magugulatin. Magugulatin na minsan ay muntik nang makapatay ng tao cheret lang! Naisulat ko naman lahat-lahat ng mga bagay na iyan kaya naman inuulit ko ulit bahala na ma-cheetah haha.

Ang mga ayaw ko naman ay unang una magsuot ng masisikip na damit at pantalon, ang lakas kasi makawala ng pagkalalaki at saka ayaw ko nang palaging tag-ulan kasi sobrang hirap masyadong abala at higit sa lahat walang magawa sa loob at labas ng bahay.

Marami na akong napuntahang magagandang lugar subalit sa Visayas at Mindanao ay hindi pa. Hindi naman magkapera nang malaki o marami para makatungo sa timog na parte ng Pilipinas. Masarap sanang bumiyahe kaso walang pera haha.

Ano pa ba? Tila wala na akong masabi a. Ang gusto ko sa babae ay siyempre seksi haha at higit sa lahat iyong tipong tapat, na kahit kailan hindi ka ipagpapalit. Alam ko naman wala tayo gusto niyan ang kaso nga lang wala na yatang mga taong ganiyan. Halos na lang lahat ay manloloko haha. Hindi naman lahat may natitira pa rin naman kaso may may-ari na sa kanila. Sana naman sa pangatlong beses na ako'y iibig kung saka-sakali lang naman ay hindi na ako lokohin haha.

Matangkad ako 6'0 kapag naman afro ang buhok mga 6'2 ang taas ko. Hindi ko pa naman nasubukan magpa-afro kasi diretso naman buhok ko haha. May atletang katawan (dati), ngayon ay medyo malaki na ang tiyan dahil sa beer. Umiinom ako oo, ano naman ang masama roon? Basta huwag lang palaging sobra kasi masama na sa kalusugan. Katoliko ako at naniniwala ako sa diyos. Ngayon kung hindi kayo naniniwala sa mga Katoliko ay bahala kayo, hindi naman kasi ako relihiyoso.

Hay naku! Tita Rome hanggang dito na lang ako. Wala akong makita magandang kuha ko kaya naman hanggang diyan lang nakayanan. Hayaan niyo sa susunod hahanapin ko na talaga mga larawan kong may pandesal, nang sa gayon ay makita niyo talaga na hindi ako nagsisinungaling. Adieu.

PS: Anlalaki ng mga eyebags ko at may tigyawat pa sa noo kaya hindi uubrang mag-selfie. Hindi kakayanin ng camera 1440 para ma-filter ang larawan.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Napakalupet mo talaga master! Wala akong masabi😊😊😊 Alamat ka talaga! Taas kamay ako sayo..🙌🙌🙌hehe..

Ikaw master alamat haha

Congratulations, your post has been chosen by curators of the eSteem Encouragement program. Feel free to join and reach us via Discord channel.


eSteem Line
eSteem Curators

Thank you kindly.

Wow nalang talaga nasabi ko. Haha @twotripleow

Posted using Partiko iOS

Haha bakit naman?

Pa welcome ka naman Mayora @romeskie kai Kagawad @twotripleow. Siyanga pala, ako man din nung bata pa ay gusto talagang maging "geologist". Nangangailangan ang bansa natin nyan ngayon kaya nga daw hanggang ngayon ay hinde pa nadidiskubre ang ibang "fault lines" kasi nga kulang sila sa mga "geologist".

Haha sana idolest ipinagpatuloy mo ang pagkuha ng Geology course para sa Maynila ka nag-aral dati. Nang sa gayon nakilala na rin kita haha.

Sa FEU or sa UP Los Banos Sana ako, ayaw ni mudra baka daw ano... Ma ano ako LOL.

Ay huwag ka sa FEU kas puro manloloko mga babae roon haha. Sa UP ka na lang hhe kasi fan ako ng Fighting Maroons haha

Hahaha! Ipakita ang eyebags, at pandesal daw dati. Hahaha

Hindi pwede lalung walang magkakagusto sa akin.

nyahaha, bakit parang napilitan gawin ang blog na ito.
natatawa ako habang binabasa ko

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64058.80
ETH 3150.15
USDT 1.00
SBD 3.99