Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Unang bahagi

in #tagalogserye6 years ago

image.png

Hello po ako pong muli si cheche (sabay tambling) ang inyong lingkod. Noon po pumunta kami ng China ng aming grupo. At lumubog ang ereplanong sinasakyan ng mga bida pero ligtas naman po sila..

kaya ngayon lalangoy naman po tayo at aming ibabahagi ang kwento ni Darina. Ang prinsesang ubod ng ganda at bait na nakatira sa Kaharian ng Atlantika.

0ca72c59704a3f4aeaf1d5d67130c0fc.gif

Pinagkunan



Sa isang kaharian sa ilalim ng karagatan ay may isang pagtitipon tipon para sa ika-18 kaarawan ng isa prinsesang sirena.

Maingay. Nagkakasiyahan. Maraming pagkain.

Lumangoy papuntang harapan ang isang makisig ngunit may edad nang lalaking serena.

merman-king.jpg
Pinagkunan

"Maraming salamat sa inyong pagdating upang ipagdiwang ang ika-18 taong kaarawan ng aking anak." pagpapasalamat ng ama sa mga bisita at nagpalakpakan ang mga ito.

"Ngayon nais ko sanang ibahagi sa inyo ang kasiyahan ng aking puso bilang isang pinuno at ama ng kahariang Atlantika. At nawa ay ating tamasain pa ng mas mahaba ang katahimikan na mayroon tayo ngayon. Mabuhay ang Atlantika!" buong lakas na sigaw ni haring Salmon (well ginawa ko to ng gutom) at mamamayan ng Atlantika at tumugon.

"Mabuhay ang Atlantika!!!" sigaw ng lahat.

"Maraming salamat sa inyo. Ngayon mahal kong anak, Prinsesa Darina muling iyong iparinig sa amin ang iyong magandang boses at umawit para sa Atlantika" banggit ng ama at hiling sa anak.

tmb_152532_3231.jpg

Pinagkunan

Tumungo at lumangoy ang prinsesa sa harapan at umawit. (well hindi ko din alam anung klaseng awitin basta sabi nila maganda ang boses ng serena baka kantahin nya ay sundo ni moira ..hahaha)

Habang nakanta ang dalaga ay manghang naguusap ang magkakaibigan at grupo nila Sireno Aenon.

"Aenon sadyang napakaganda ng boses ni Darina, maganda at napakabait pa." usap ng unang sireno

5d38eb75cd819dd262a6eb7d97f4f23f.jpg

Kabog na pinagkunan ng larawan

Si Aenon ay isang anak na isa pinakamataas na kanang kamay ni Haring Salmon at nobyo ni Darina.

"Sadyang ako ay swerte sa kanya at ako ang dapat lang sa kanya . Mahal kong Darina." sambit ng sereno at nakatingin sa kanya si prinsesa Darina.

Sa grupo ng mga sireno ay dumating si Sabina. Si Sabina ay isang sirena na lahing damugo.

2737851a6e18b2004e12ac28b80a883e.jpg

Pinagkunan

Ang lahing damugo ay mga sirenang minsan nang itinakwil at masamang grupo ng mga sirena. Sila ay itinakwil ngunit sa kabaitan at taos pusong pagkilala sa kanila bilang mga kapwa sirena ay tinanggap muli sa Atlantika. Ngunit ang lahing ito ay tanging paghihiganti lang ang ipapalit sa nakaupong hari.

"Aenon, wag kang pakakasiguro alam mong may dugong taga-lupa si Darina. At alam naman natin na ang hula sa kanya ng Ninunong Damal sya ay aalis ng Atlantika." pang aasar na sambit ng sirenang si Sabina.

"Sabina pakiusap yan ay haka haka lang .Hula nga e. kitang kita naman na ang puso at isip ni Darina ay nasa Atlantika lang."

"Hahahaha. Bahala ka Aenon basta pagwala na sya dito andito ako para sayo at sa Atlantika" sagot ng sirenang si Sabina habang nilalaro ang mga daliri sa dibdib na may tatoo ng sireno na nakatingin sa mukha nito at pilyang ngumingiti.

EEEERRRRRK

ITUTULOY



Maraming salamat po sa pagbasa ng aking munting likha. Sana po ay inyong nagustuhan.

  • totoo kaya ang sinabi ni Sabina sa sireno at ito ba ang wawasak sa puso niya?
  • anung paghihiganti ang gagawin ng damugo group?
  • anung tatoo ang mayroon sa dibdib ni Aenon? simbolo ito ng ano?

malalalaman po natin yan pagdudugtong ni @jamesanity06 ... jusme ikaw pala susunod sakin sorry na brader :D

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter
Bida : The Siren: Darina - sweet, mabait at magandang sirena
Kontra-bida : Hindi pa alam if si Sabina nga ba.

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Cat
Body Painting/Tattoo
Revenge

Tema ng Ika-Limang Serye: Pantasya

Unang Pangkat

@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo

Ikalawang Pangkat

@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@jazzhero - Linggo

Sort:  

Grabe yung Pinagkunan ng kabog na larawan tatak kagad sa tawa.
Sa ilalim naman ng dagat ang kwento ngayon. Grabe ang hirap magpasya nito para sa aming tatlo nila Junjun at @lingling-ph

hhehehehe ... salamat toto.. mejo sobrang busy kaya yan lang ang nakayanan ... sumingit ako sa umalis kong boss.. hahahah

Nakakatuwa ang kwento @cheche016, pinaghusayan pati ang paghanap ng larawan :D Nakaka-amaze din ang growth na napamalas mo sa pagsusulat ng kwento, papunta na sa team mabusisi lol.

salamat po tropang jazz..
nakatakas ako.sa amo ko eh kaya nakapagsulat.hahahaha

@cheche016 nyahaha! bwah hah hah! ang kuLit Lang!
magaLing ang naumpisahan mo. pati ung mga pinagkunan mo ng Larawan nakakamangha. comedy ang mga caption. the best ka taLaga! woooh! 😂😂😂

so hawt ni Aenon e nuh.. yummy hahahah

Sobrang natawa aq sa mga larawan sis at sa caption! Magaling din ang plot na naisip mo and gusto q ung "rising action" dito. Kaabang abang ng magganap. Si @jamesanity06 pala katapat q bukas haha. Good luck sa akin. :)

Nakakaiyak nga @chinitacharmer, di ko forte, well, challenge accpted, hahaha, kailangan umalis sa comfort zone, papasok tayo sa usapan puso neto, tignan natin mga susunod na magaganap.

Parehas tau James. Haha. Pero cge lng, at ikaw pa tkga katapat q, waaah, nakaka pressure! Btw, ikaw nagsulat ng BOpH today? Maraming salamat sa komento mo. Nakakaiyak! Di q expect! 😭

Hahaha, deserved mo naman lahat ng sinabi ko dun eh, isa ka sa mga #mabusising manunulat at lodi..

Maraming salamat. 😭 Ang saya lng ng feeling na ung lodi mo, lodi ka rin. Cheret! 😄 #happiness

Hahaha, the feeling is mutual. Pero seryoso, di ko talaga alam kung paano ko bibigyan ngmakatarungang dugtong tong kwento na to ni @cheche016... Di pa naman ako tumatambling... Requirement ba yun? Nyahahaha...

Hahaha. May tumatumbling ba na serena? 🤔 Pero pwede kapag pumunta na sa Darina sa lupa. Haha.

Kung serena ang kay che, dragon naman ang peg ni 2K. So good luck sa atin. Haha.

james pede gawin sa porte mo yan pag.nasa lupa na. wag masyado sa love story hahaha.

hehehe sis kaya nga nagsorry na ko sa knia ndi ko naalala na xa pala kasunod nalaman ko nalang tapos na .hajahahahha

Galeng nemen..

di nemen hehehe


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

thank you mabuhay!!!

aba si @cheche016 (chechenelin) nakakuha ng award... after a long time congrats

Kabog na kabog nga yung mga nakuha mong larawan. Ang gaganda! 😍
Unang bahagi pa lang, umeksena na yung kontrabida. Hinuha ko si Sabina yung kontrabida rito. Hehehhe. Ang galing ng naisip mong plot para sa temang pantasya. As usual, kaabang-abang talaga itong TagalogSerye. 😄

ayt... salamat po lodi 😍😍
mwah. gwapo ksi ni Aenon e pang bench model ang peg. hahaha

Buti pa nga yung sereno, gwapo e. Hehehhehe. Model nga ang peg. 😁

basta ikaw ang sumulat ang saya eh
pakatapos may mga side comments pa eh
pakatapos nakakbitin eh
pakatapos, tapos na pala
pakatapos antayin ko yung kasunod

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60682.45
ETH 2903.00
USDT 1.00
SBD 3.54