TAGALOG SERVE V: IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

Ang Nakaraan...

“Maaasahan ka talaga, Jessa!” muling humalakhak si Toto at tinapik ang balikat ni Jessa. “Ngayong alam na natin ang kinaroroonan ng portal patungong Dragolandia, oras na para sumulong tayo at lipulin sila nang sa gayon ay wala nang hahadlang sa balak nating higupin ang lahat ng life force sa mundong ibabaw!”

At biglang naglabas ng matinding enerhiya si Malou dahil sa matinding galit. Sinenyasan niya si Lemron na agad namang nakuha ang gusto niya at lumapit ito sa kanya.

this photo is brought to you by Toto the big tutuy


"Anu gang sama nang iyong pagmumukha?" Usal ni Domer habang bahagyang napapa-umis sa kanyang nasilayan. Ikinagitla naman iyon ni Toto at Jessa, ang paglalahok ng dalawa ay nagbigay sa kanila ng pambihirang lakas ngunit pagkakasama naman talaga ng itsura. Hindi katagala'y nagsipaggayak na sila para sa umpisahan ang isang pagkakabanas na laban, si Toto laban sa pinaglangkap na kapangyarihan ni Malou at Lemron habang si Domer ang humarap kay Jessa.

Dagliang sumugod ang ating mga tagapagtanggol ng Dragolandia. Naguula-ol ang dragon, kasabay neto ang pagpapakawala ng isang technique na nagagawa laang nila pag silay naka-fusion." Tamalisnabalinghoy Blast!!!!" Usal ng tambalang Louron.

Louron: Ang pangalang binigay sa kinalabasan ng pag-aanib pwersa(fusion) nina Malou at Lemron. Isang dragon na may ulo ng tao, ang itsura nare ay sadyang ka-sama at ula-ol na.

Napamulagat si Toto ng masilayan na sa kanya patungo ang kakaibang kapangyarihan, tinangka nya i-yong halitin ngunit lubhang pagkakalakas neto kaya siya ay napasubasob sa agbang malapit sa talon. Kasabay noon ay nag pang-abot narin sina Jessa at Domer. Nagngangalit ang ngipin ni Toto sa galit, dagli areng tumayo at nagngangangaw-ngaw, lumabas mula sa kataw-an niya ang nakakasilaw na liwanag "Katapusan niyo na!!" hiyaw neto(malakas na sigaw na abot pa-ilaya) habang nagmamadaling tapusin ang laban ng kanyang mabalikan ang iniwang potato chips.

Tinawag ni Toto ang espirito ng kaniyang tattoo at are'y lumahok din sa kanya. Nagbago ang kayang anyo, lumaki ang mata at lumi-it (mga kasing li-it ni @cheche016), siya ay naging taong Tarsier. Kasabay neto'y nagbuka ang langit at nag babaan ang mga diwatang anghel na kaanib ni Toto ang iba rine ay mamaas-maas at napapasungasob na laang ng walang dahilan.

Sa mga ganap n ire ay utay-utay na napayupyop ang Louron, umis ki umis si Toto at pas-pas na isinagawa ang pagsipsip sa life force ni Malou. Hindi nag tagal at nag sulputan na ang mga alipores ng Dragolandia at tinulungan ang nanglalatang sina Malou, Lemron, at Domer. Sinamantala iyon ni Toto at nagkukumahog na nagliban paparoon sa portal na kung saan siya ay napagawi sa UAE(sosyal ang hayupak nag abroad).

source

"Anung lupalop ereng dinatnan ko? Ako yata'y natitikbalang!" wika ni Toto habang siya ay sige sa paglalakad, Naaninaw niya ang isang kakaibang tumpok ng buhangin na may katre sa ibabaw. "Si Karin my love so sweet!" sambit neto ng nasulyapan niya ang pinaglulupagihan ng kanyang natutulog na asawa. NIlapitan nya ang babaysot at usal ang kakaibang orasyon at lifeforce na nahigop nya kay Malou ay binuhay nya si Karin.

Samantala sa kabilang dako...

Utay-utay na nagtagumpay ang pwersa ng Dragolandia, matapos un ay nasama-sama silang inihatag ang kanang kamay sa ibabaw nina Malou, Lemron at Domer para mag Delegate ng SP (super powers) Muling lumakas ang ating mga bayani "tapusin na natin ang laban mga besh!" usal ni Domer sa dalwa niyang kasma at sila'y pumasok nadin sa portal.

Nakarating din ang tatlo sa UAE ( sa hindi maurirat na dahilan ay nakakapasok sila dine na walang passport at visa, at hindi nahuhuli ng immigratio. Amazing!!)

Dinatnan nila ang mag-kaulayaw na sina Karin at Toto sa gitna ng mainit na disyerto, hindi sila napansin ng mga are. Paub-ob silang naglakad palapit "anu ga't dine pa nagwawalanghiyaan ang dalwang ire." usal ni Lemron. "Kagugulang na'y kalalandi pa" sagot naman ni Domer, habang si Malou ay hindi makatingin dahil sa labis na pagkarimarim. Dagliang sinamantala ng tatlo ang pagkakataon at sinunggaban nila sila Toto at Karin, sa lakas ng pinagsanib na pwersa ng dalawa ay napaiskad ang tatlo. "Bwahahahahaha!!!" malakas na tawa ni Toto (yung tipong labas ang ngala-ngala). Naging mainit ang laban kasing banas ng klima sa disyerto (realtalk), hinarap ni Domer at Lemron si Toto habang si Malou ang nakipagbuno kay Karin. Dagubduban ang lupa at dagasa na ang buhangin na sanhi ng pagsasalubong ng pwersa nina Toto, Lemron, at Domer.


Sa pasilangan ay mainit din ang labanan ni Karin at Malou, isang laban yumayanig hanggang kalangitan. Ug-og ang lupa pati narin ang sikmura ng mga camel sa pagsasalubong ng kanilang mga pwersa, hanggan sa nangibabaw ang kapanyarihan ni Karin. Nakalupage sa buhanginan si Malou at agaran itong kinubabawan no Karin upang itarak ang punyal, gulok, at sikwit na kanyang nilikha gamit ang kanyang kapangyarihan. Inililis nya ang damit ni Malou para hanapin ang parte kung nasaan ang puso neto nang makita nya ang balat ni Malou sa kaliwang dibdib. Napatigil at napaluha si Karin ng masilayan ang balat, "Bakit ho?" tanong ni Malou.

Anak ko!! sambit ni Karin kay Malou

Ang nasilayan ni Karin ay ang balat na waring mukha niya at ng kanyang ex-jowa na atin nalaang hong itago sa pangalang "FAFA BAE"(si fafa bae ang tunay na mahal no Karin at si Toto ay ipinagkasundo laang s kanya at baog si Toto kaya hindi nakabiso). "Kayo po ga ang tunay kong ina? Ereng nasa balat ko?" buong pagkaulagang tanong ni Malou, napatango na laang si Karin habang tulo ang uhog dahil sa pag hikbi. Napa yupyop si Malou sa nalaman at dagliang namn siyang itinaas ni Karin. Binasa ni Karin ang isip ni Malou at lahat ng pinagdaanan nang kanyang anak, nalaman nya lahat ng kasamaang dulot ni Toto dine.


Utay-utay na nanghina sina Lemron at Domer. "Lubhang napakalakas nang walang hiyang are!" usal ni Domer. "Hinding-hindi ninyo ako matatalo." buong pagmamalaki ni Toto. itinaas ni Toto ang kanyang kanang kamay at nagipon ng pagkakalaking bola ng enerhiya upang waksan ang buhay ng dalawang ulagang weak naman pala. Sa pagaakala nila Domer na katapusan na nila ay tila may isang malakas a kidlat ang tuama sa bola ng enerhiya ni Toto na ikinabalibag neto sa buhanginan, si Karin. Laking gulat ni Toto sa nangyari napagnilaynilayan niyang nalaman na ni Karin ang lihim sa pagkatao ni Malou. "Ala, Ay sa tingin mo'y matatalo moko sa estado kong are? Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!" naglabas ng kakaibang pwersa si Toto at tinapatan nmn iyon ni Karin subalit tunay namang pagkakalakas na ni Toto (Pagsadami ba namang pinaghihigopna life force ng taong are)

Nanghihina si Karin at tanging umis laang ang napala natin kay Toto sa pagmamalaki neto sa kanyang taglay na lakas. Tumakbo si Malou patungo sa kinaroroonan ni Karin. "Inaaaaayyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" hiyaw ng babaysot habang tumatakbong papalapit sa kaniyang ina. Niayakap ni Malou si Karin at isang nakakasilaw na puting liwanag ang bumukal mula sa kanilang pinagbungkos na bisig. Nag sanib pwersa ang mag-ina, isang nakakayanig na aura ang bumabalot sa katawan ni Malou. Utay-utay na naglakad papalapit si Malou kay Toto habang binabato naman sya neto nag bola nagenerhiya. Laking gulat ni Toto ng biglang naglaho sa harap niya si Malou at umulpot sa likod nya sabay bitaw ng napakalakas na sipa sinundan un ng kuryenteng nanggaling sa mga daliri ni Malou napasubasob ang lukong si Toto at duon sinamantala ni Malou na bitawan ang panapos niyang technique.

"Tamalisnabalinghoy!!!"

Tumama iyong direkta kay Toto, ayun sa-bog ang puwit ng loko. Nagpagulong-gulong si Toto at tuluyan na itong iniwan ng mga life force na nahigop nya. Utay-utay syang nanlupaypay hanggang nawalang ng ulirat. Nagdiwang ang buong Dragolandia sa tagumpay, muling nagkaulayaw ang mag-ina at naibalik ang katahimikan sa Dragolandia.

Wakas...

Anyare kay Toto? wala nang powers at nakakulong sa UAE for illegal entry...

Narito po ang mga naunang bahagi ng TagalogSerye ng Ikalawang Pangkat:
Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi


Mga kasali sa TagalogSerye ngayong linggong ito:
Unang Pangkat
@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo
Ikalawang Pangkat
@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@kendallron - Linggo


Have you voted a Witness? Please do add @curie, @paulag and the @steemcleaners (@Patrice, @pjau & @GuiltyParties) Team on your Witness List.

Cast your votes here: https://steemit.com/~witnesses






Sort:  

Siyang tunay ang pagkakalikha ga. Kaya lang ipapatalo tayo ni Toto nito kahit napa lupit ng mga nangyari. Sabog ang puwet ni Toto haha. Pero aangal si Toto na baog siya kasi delay daw si Nene haha.

un nga hinihintay q bruh...ung retaliation nia hahahaha...

Kahit karamihan sa mga salita ay hindi ko naiintindihan, natatawa pa rin talaga ako! Hahhahahahaha. Damang-dama ko kasi yung accent ng narrator. Pasabog yung wakas ng kwento! Ang galing at ako'y aliw na aliw! Hahahahahah

hahaha maiintindihan mo rin yan sa katagalan.... salamat at pinagtyagaan mo tong basahin... this is actually my first time in making such tagalog piece

Hahahah! Binasa ko ito ng with feelings using Batangas accent! 🤣🤣🤣 Nalunod aq sa sobrang lalim ng Tagalog! Ang husay K!!!
Kung di lang tau late ito ang magpapanalo sa atin at ilalaban kitang Olodi ng Tambayan! Hahaha!!! Ma-hu-say! Ahooooo!

Wako kasabot sa ubang letra ani geng, @chinitacharmer. 😂 Nakakunot noo talaga ako habang nagbabasa dahil sa lalim ng mga salita pero binawi na lng dahil binasa ko with feeelings. Hahaha. Werpa @kendallron! 👐👏

yan sinassabi ko sa inyo ee...pinagaarala kau pag Filipino subject nandun kau nag teten-twenty

nyahaha! ngayon ko lang natapos basahin. ang galing @kendallron nai-imagine ko na si Leo Martinez ang nagkukwento nito. napakahusay! malakas sana laban nito para sa olodi ng linggo kaso si teacher inuna muna ang benta ng longganisa. nyahaha! joke lang. peace tayo Min-min ✌😁

walang hiya leo martinez tlga? hahahaha eh kc walang kaming kakainin pag ndi sya ngbenta ng longganisa...kulang kinikita q sa pangangalakal

Ay karami kong tawa sa pang wakas na are! Sa wari ko'y nagkaron ako ng accent habang nagbabasa ay! Hahaha! Ay pagkalupit ng mga salitang ginamit!

malamang ung pagbabasa mo neto may accent din hahaha

Ay sya nga! Pakiramdam ko pati pag comment ko may accent din ay! Pagkayaman pala talaga ng wika natin. Nahiya ako nang bahagya kasi kay daming katagang hindi ko naintindihan. Nasan na ba yung Filipino teacher ko?

hahaha dapat bang sisihin si Filipino teacher? si @chinitacharmer anung tinuturong subject?

English hahaha!

Haha. Hindi po. Magpapaturo lang po ako ulit. May tsansa kasi na natutulog ako noong nagtuturo siya. Hahaha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by kendallron from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Nakakaganda talaga yung pangalan ko sa serye mo. 😂😂

jusko patawarin ka!!

Xin chào Kendall. Bạn khỏe không? hahaha

anung pinagsasasabi mo?

Hâhhahha. U won, saiyan

Galing! Maganda pala sa susunod sali ka din. Maraming salita ang kailangang i-google haha. Pero naaliw talaga ako sa Batangenyong bagsakan. Great job.

hahaha sige sali ulit ako... salamat at nagustuhan nyo ung gawa ko


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Sobrang laugh trip.
wahaahahh whaahahaah whaahaha
ang lupet nito
Kay kwela naman areng gawa mo sir @kendallron.
Ang halakhak ko'y abot hanggang palengke
Grabe Grabe Grabe grabe

hahahaha... wala nmn akong gus2 iparating dyan kundi ang bugbogin at walaghiyain si toto wahahaha

wahaahahaha
mukhang nagtagumpaya k naman master

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64485.37
ETH 3156.53
USDT 1.00
SBD 4.05