Filipino Poetry: Akala Ko (A Piece for Spoken Word)

in #tula6 years ago

woman-1006100_960_720.jpg

Pixabay

Akala Ko
Ni @jennybeans

Akala ko tayo na hanggang dulo
Akala ko panghabambuhay na tayo nito
Akala ko ok lang tayo't walang magbabago
Akala ko, akala ko

Akala ko pareho nating binabagtas ang daan patungo sa walang hanggan
Di alintana ang tinik at panganib sa ngalan ng ating pag-iibigan
Magkahawak ang kamay at anumang pagsubok ay makakayanan
Ngunit walang pasabing ako'y iyong binitawan
Ako ay iyong iniwanan sa gitna ng kawalan
Ngumangawa at di alam kung pano tatahan

At sa biglang pag-iba ng ihip ng hangin
Naririto ako't naninibago pa rin
Inaalala ang kahapong dati ay sa atin
Yung mga panahong ako pa ang isinisigaw ng yong puso't damdamin

"Mahal kita at mas mamahalin pa", mga katagang iyong sinambit
Bago ang yung inaasam-asam na "oo" ay nasungkit
Mga salitang pinaniwalaan ko at dyan kumakapit
Mga salitang mapanlinlang pala at mapanakit
At kahit anong pilit sa sariling magsulat muli ay di na maaari
Baka ito na nga rin ang maging huli
Sapagkat di na sapat ang mga tintang lumalabas sa aking plumang ginamit

Hay, ang akala ko tayo'y pang nobelampungan na, naging radyoserye pa
Akala ko papunta na sa happy ending ang ating drama, hindi pa pala
Kaya asahan mong magiging blangko na ang kasunod na mga pahinang naglalaman ng ating istorya
Dahil wala na akong maidudugtong pa pagkat ang dating tayo ay wala na
Ang ating magandang kabanata ay magtatapos na sa temang trahedya

Pero heto ako't di alam kung paano to tatapusin
Di alam kung paano wawakasan ang isang tulang sa "Akala ko" lang sinimulan
Kaya mag-iisip na lang ng magandang salitang panapos
Sa pagmamahalang hindi pinalad at kinapos
Sa pagmamahalang akala ko ay tunay at di magtatapos
Dahil ang buong akala ko tayo na para sa isa't isa
Akala ko lang pala
Isang malaking maling akala, tsk tsk
Pambihirang akala



Ito ay ginawa ko upang gawing piyesa sa spoken word kaya medyo mahaba ang bawat taludtod. Isusunod ko na lang ang audio kapag medyo mkapal na ang mukha kong magdrama hahahaha

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

grabeeng emote sis hehe
epekto ng serye ba to? hehe
ganda ng gawa mo love it.
oy sis yong radyo ituloy mo na.
missyeah

Salamat sis...
Yes mukhang epekto ata ng serye to hehehe
Miss you too sis :)

I feel you sis @jennybeans

Akala ku siya na, pero indi pa pala
Akala ku ito na ang bagong simula
Akala ku worth it, pero wala akong napala
Kaya single aku now... kase sumama siya sa bakla

Huhubels ipinagpalit aku sissy. I cant accept it. Pero yung piyesa mu accept na accept ku. Hangganda! Intense ang drama.

Hahahaha natawa ako sa comment mo sis sobra :) Okay lang yan sis may darating na bago yung mas bongga pa sa ex mo chos....

Mag spoken word ka nga sis @lingling-ph mukhang magaling kang gumawa ng piyesa. :)

Salamat sis resulta ng kakapanood ng KDrama :)

Nakakbitin @jennybeans. Nasan na ang audio???

Di bale abangan ko yan. Pwede mag request yun may kasamang luha at medyo malat malat na boses (kakaiyak). Haha.

Pero panalo po ang hugot at emosyon. Tsaka yun mga bitaw ng mga linya, naiimagine ko nang naririnig ko. Excited na ko 😆

May tinanggal kasi ako na mga 3 lines @junjun-ph kaya siguro mukhang bitin.. :)

Nakalimutan ko yung about sa audio. Nawala sa isipan ko buti na lang pala't pinaalala mo. Mukha atang kailangan kong mag internalize at maghanda ng 5 pirasong bawang junjun hehehe

Salamat junjun. Ako di pa ko excited sa audio kasi di ako magaling mag voice act pero laban lang.. :)

Ay may fans club ka na sa Tambayan, Jenny. Ang dami ng naka-abang sa mga pa-radyo mo hehe. Pressure ba? Pero totoo kasing napabilib at nasiyahan din kami sa mga nakaraan mong bigkasan 😊Enjoy mo lang po. Ay este hugot pala, i-emote mo lang yan.

Ang ibig kong sabihin nun sabi kong nabitin ay nag-expect kasi ako na may audio na hehehe. Fan nyo po ako ni @tpkidkai pag dating sa mga pa-radyo at pa-spoken word.

Ay kaloka junjun. Mukhang mas na pressure ata ako sa sinabi mo.. Pero tatandaan ko ang advice mong dapat na mag enjoy lang :)

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64742.01
ETH 3172.49
USDT 1.00
SBD 4.10