Community Competitions Tuesday with @SteemPh. [RAN ONLINE]

in #steemph6 years ago

10ehdqphj8.png

Image Source:


Ran Online ang larong aking kinaadikan noong taong 2005-2007, bago ko napagtanto na maraming laro sa Facebook na tungkol sa ninja. Ngayon ang ikukwento ko ngayon ay kailangan ay ibayong pag-iisip at higit huwag gagayin ang aking mga ginawa noon.

Taong 2005 noong niyaya ako maglaro ng aking pamangkin na maglaro ng Ran Online. Masasabi ko noong una ay medyo hindi ko pinapansin, sa kadahilanang lagi kong kasama pamangkin ko ay kinalaunan ay natukso na rin ako maglaro. Sino ba mag-aakala na mas naging adik ako kaysa sa kaniya? Ako mas matanda ako pa naging mas adik haha. Sa totoo lang napakasagwa laruin ng inyong mga tauhan kung ito ay mahina, subalit hindi ganoon kadali magpalakas. Alam naman nating lahat na ang mga Online Games ay hanap-buhay rin nila. Kaya naman ang pagpapalakas ng isang tauhan ay hindi basta-basta lang. Kailangan natin maglamay at gumastos. Unang-una para makabili ka ng E-Points nila dapat may pera ka, bibilhin mo una ay ang rosary (para double experience mo) tapos teleportation card. Iyong dalawa na iyon ay nagkahahalaga ng 50 PHP. Mayroon na nga ngayon kailangan mo muna maglaro para lumevel, kasi nga kagagawa lang ng tauhan mo. Ngayon ang susunod mo namang gagawin kapag nararamdaman mong mabagal na ang experience na nakukuha mo lilipat ka na sa ibang lugar kung saan puwede na ang level mo, siyempre kapag mas malayo na ang narating mo mas malakas na magiging kalaban mo. Hanggang narating ko na ang max level sa Ran Online, kumpleto na ang mga kagamitan ko dahil ginastusan ko nang bongang-bonga. Hindi ko na lang po sasabihin kung magkano nagastos ko, kasi malaki po talaga. Kasama naman na ang lahat-lahat pati iyong inupahan kong tao para maglaro habang ako ay nasa trabaho, bayad na sa tao bayad pa sa computer shop at E-Points. Tiwalang-tiwala na nga sa akin iyong may-ari ng computer shop kasi pinapautang na ako kinalaunan haha. 24 oras gumagalaw ang tauhan ko. Pagkatapos ko mai-max level ang archer ko, hindi pa ako nakuntento gumawa pa ako isa pang tauhan brawler naman. Sa sobrang tagal maglabas ng bagong level cap, hindi ko namamalayan na sobrang laki na talaga nagagastos ko at isa pa zombie mode na ako, payat na payat dahil laging puyat e. Hindi ko ininda ang gastos kasi ang lakas ko na nga. Naglabas nanaman sila ng bagong klase ng tauhan tinatawag na "extreme" ang extreme ay kombinasiyon ng apat na tauhan. Swordsman, archer, brawler at shaman. Pagkatapos naman naglabas ulit sila gunner at assassin. Hindi na ako naglaro simula nang nilabas nila iyang mga iyan. Unang-una nawala na mga kaibigan ko lumipat na sa Cabal Online, pangalawa hindi na ako nasisiyahan wala na kasi mga tropa ko at higit sa lahat wala na ako kasama magpuyat haha.

Marahil itatanong niyo kung nasaan na mga tauhan ko? Naibenta ko na nang palugi hehe. Murang-mura ko lang naibenta huwag na lang natin sabihiin ang presyo.

ANG PAGSIBOL NG MGA LARO SA FACEBOOK.

2007 noong ako'y sumali sa Facebook. Una sa pagkaiintindi ko ay paran Friendster lang o Myspace. Oo parang Myspace nga marami rin siyang laro pero ang Facebook noong araw ay hindi ma-lag kung ikukumpara mo ngayon. My "like" kasi ang Facebook ang iba naman ay wala kaya naman naengganyo akong sumali. Hay naku! Sino ba mag-aakala na maaadik ako sa mga laro sa Facebook.

Mafia Wars ang unang-una kong nilaro hindi Farmville kasi Farmville na nga sa totoong buhay pati ba naman sa laro? Haha siyempre ayaw ko. Mafia Wars masasabi kong inadik ko nang bahagya lang kasi nakita ko may mas magandang laro gaya ng mga larong bampira. Kaya nga lang hindi nagtagal ay nawala ang laro, sayang ang tauhan ko. Dito sa mga laro sa Facebook hindi ako gumastos, gustuhin ko man wala akong credit card haha. Kaya naman pagod lang ang naging puhunan ko.

NINJA GAMES.

Ang unang nilaro ko pagkatapos magsara ang mga larong bampira sa Facebook ay ang larong Ninja Saga siguro nakadalawang taon din ako riyan. (2009-2011). Tapos noong nakita ko naman ang Pockey Ninja masasabi ko talagang ito ang pinakakinaadikan ko sa lahat. Napakaganda kasi ng graphics tapos hindi ma-lag, hindi gaya ng Ninja Saga hindi kagandahan ang graphics tapos ang lag-lag pa, kaya lumipat ako sa Pockey Ninja. Pero kung alam kong magsasara kaagad itong laro na ito ay sana hindi ako lumipat ng laro.

Ito ang pinakahuli kong nilaro ang Naruto Online. Naadik din ako rito kaya lang unti-unti ko siyang nakalimutan dahil nga sa pagka-injury ko sa basketball nabaling ang atensiyon ko sa Steemit hehe.

msjy2unjlw.jpg

Ayan kitang-kita niyo naman si 2K riyan. Ako iyong naka-Konan na costume hehe sila naman iyong mga guildmates ko. Ang lalakas namin sa server na iyan. Iyan ang pinakahuling nilaro ko. Ngayon nga lang ay itinigil ko na dahil sa Steemit. Sulat-sulat na lang kapag may oras.

Lahat ng mga larong nilaro ko kaya ako nagsawa kasi malakas na ako at hindi na ako nasisiyahan. Gusto ko talaga mga ninja games lang talaga kasi gustong-gusto ko talaga maging ninja. Tama na nga ito baka maitsa-pwera pa itong entry ko na ito haha. Makatutulong din ang mga online games para makalimutan niyo siya haha. O siya hanggang dito na lang ang paglalakbay natin sa mga karanasan ko bilang isang gamer hindi player a. Paalam.

HINIHIMOK KO NGA PALA SI KAIBIGANG @afterglow NA IBAHAGI ANG KANIYANG KUWENTO SA MGA ONLINE GAMES NA NILARO NIYA NOONG ARAW.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Ang dami mo palang nilaro noong araw kaibigang @twotripleow. Ako naman ang una kong natutunan na laro sa online ay ang Red Alert taong 1998 noong ako ay first year college.

Bukod doon nilalaro ko din ang Counter Strike noong mga panahon na yun. Isama mo pa ang Worms Armaggedon, StarCraftII, Battle Realms, at Diablo II.

Taong 2003 naman ng nilaro ko ang Ragnarok. Sa lahat ng mga laro na nabanggit ko ay sa Counter Strike ako naadik.

Buhat ng mag-graduate ako natigil ako sa paglalaro ng mga online games gawa ng walang allowance at nag-aapply na ako ng trabaho noon.

Taong 2012 naman ng mag-umpisa akong maglaro ng CrossFire. Ang CrossFire ay kagaya din ng CounterStrike (CS GO na ngayon). Ang CrossFire ay hango sa game engine ng Counter Strike.

Sa ngayon ang aking rank sa CrossFire ay Major (Full level), isang kembot na lang at magiging Lt. Colonel na ang aking rank, isang baitang na lang para maging Eagle (Colonel).

CrossFire ang first ever na game na gumamit ako ng E-coin para bumili ng character na SOV, yun na ang una at huling kong gastos sa laro.

Mga taong 2014 naman ng maglaro ako ng Clash of Clans at Boom Beach, Clash Royale naman noong 2016.

Nakapaglaro din ako ng Farmville sa Facebook ng ilang linggo noon. Sa ngayon ang nilalaro ko na lang paminsan-minsan ay ang Clash of Clans at Clash Royale.

Masarap balikan ang nakaraan lalo na noong ating kabataan.

Uy i-blog mo iyan para may pag-asang manalo sa contest hehe pwede na yan more than 300 words. Para naman mabasa nila hehe

Sige gawin ko yan. Hehe.

@afterglow, abangan ko ang mas detalyado mong kwento ng paborito mong laro ha. :)

Sige po @romeskie, kumakalap lang ako ng screenshots ng mga accounts ko sa mga nilaro kong onlines games.

Ibang klase! May taong tagalaro ng character! Hindi ba pwedeng gawan ng Bot sa RAN? May laro kasi na pwedeng gawan ng ganun. Pagalingan nga lang ng coding para hindi mahalata ng GM na bot yung naglalaro. wahehehe. Naglaro rin ako ng RAN dati pero parang ang brutal at iniisip ko lagi, ang estudyante ay hindi dapat bayolente. Hahaha. Pero ang cute ng character ko sa RAN. :) Hindi nga lang ako nagpataas masyado ng level dahil mas dedicated ako sa Ragnarok kesa sa RAN.

Oo may pilot ako dalawa iyan haha. Bukod pa gastos sa load bukod pa bayad sa pilot at computer shop. Hindi kasi kaya ng katawan ko haha.

Bawal gumamit ng bot kasi detected agad iyan auto ban agad. 3 ang nahuli sa strife server, kahit malaki na gastos nila ban pa rin ang inabot, sayang ang account nila. Hindi ko nasubukan lumipat ng ibang games loyal talaga ako kahit saan at kahit anong bagay haha.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Ay waw, may Naruto Online pla. Matindi o, Akatsuki. :D Di kau nag-Ragnarok? Meron ako ka-opis dati naglalaro nyang Ran dati. Haha, tas nakakita ng jowang poreyner jan n napangasawa rin nya. :P

Oo naman Naruto fan ako simula HS hanggang ngayon haha. Ragnarok sa tingin ko si Rome ang pinakaadik diyan haha. Ikaw ano fav mo?

Sinusulat ko na eh. Haha. Weitlangpowhz. :P

Di ako adik sa ragnarok. Dedicated lang. Wahahaha

Ichichika ko nga sa Pinsan ko yang Naruto online! Naku matutuwa yun panigurado! Salamat sir @twotripleow :)

Ay mahilig din ba siyang sa palabas na Naruto? Naku mam para sa kaniya ang laro na iyan haha.

Opo sobrang hilig non dun. Sasabihin ko yan sa kanya kapag nagkita kami :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63799.64
ETH 3130.40
USDT 1.00
SBD 3.97